tag:blogger.com,1999:blog-68266153977446988192023-11-15T07:41:14.134-08:00i.e.Unknownnoreply@blogger.comBlogger13125tag:blogger.com,1999:blog-6826615397744698819.post-10865192582547883782009-07-09T03:43:00.000-07:002019-10-06T13:50:08.282-07:00Mother Rosario Arroyo
Pilipinang Debota ng Santo Rosario
KILALANIN NATIN SIYA
Noong Pebrero 20, 1884, bininyagan ni Padre Agapito Buenaflor ang isang babaeng sanggol na ipinanganak tatlong araw pa lang ang nakakalipas. Siya ay pinangalanang Maria Beatriz del Rosario Arroyo. Siya ang isa sa mga anak ni Don Ignacio Arroyo, pinuno ng Barangay 4 sa Molo, Iloilo at Doña Maria Pidal, isang Kastilang mestiza.
Unang pumasok si Rosario sa paaralan ng Santa Ana sa kanilang bayan. Pagkatapos nito ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Colegio de San Jose sa Jaro, Iloilo. Sa edad ng labintatlo hanggang sa kanyang ika-27 taon, siya ay nag-aral sa Colegio de Santa Catalina sa Intramuros, Maynila. Ito ay ang unang paaralan para sa mga batang babae sa bansa at pinatatakbo ng mga relihiyosa ng Orden Tercero ni Santo Domingo. Madalas na binibisita siya dito ng kanyang mga magulang.
Sa edad na 27, pumasok si Rosario sa kongregasyon ng mga Dominican Sisters of Santa Catalina de Siena. Pagkatapos ang anim na buwang postulancy, siya ay dinamitan na ng abito ng mga Dominiko. Kasama niya si Macaria Ablay, 26 na taong gulang, isang Filipina rin. Maaari na sanang pumasok si Rosario sa mas maagang gulang ngunit ang kanyang masyadong pagkadepende sa kanyang ina ang humadlang sa kanyang upang pumasok. Ibinigay sa kanya ang pangalang Sr. Rosario Arroyo de la Visitacion at ang kanyang unang propesyon ay noong Enero 3, 1914.
Ang kanyang unang gawain ay ang pagtuturo sa Colegio de la Nuestra Señora del Sto. Rosario, Lingayen, Pangasinan. Dito naging masasakitin siya kaya naman palagi siyang dinadalaw ng kanyang mga magulang. Umuwi muna siya sa kanilang bahay at pagkatapos manumbalik sa dati ang kanyang kalusugan nagpunta kaagad siya sa isang paaralan sa Maynila. Doon siya ay naging tagamasid para sa mga nanunuluyan at nagtuturo din at ginawa niya ito nang buong puso.
Noong mamatay ang kanyang ina tinanggap niya ito nang maluwag sa kalooban. Alam niyang isang maluwalhating kamatayan ang sinapit ng kanyang ina dahil sa kabanalan nito. Masyado namang dinamdam ni Don Ignacio ito kaya naman para mapaligaya kahit kunti ang kanyang ama sinamahan muna niya ito. Ngunit gusto talaga ni Rosario na makabalik na agad sa kumbento. At noong paalis na ito pinilit ni Don Ignacio na magdala siya ng maraming pera para sa kongregasyon ngunit di pumayag si Rosario sapagkat mas pinahahalagahan niya ang pang-ispiritwal na bagay kaysa sa materyal na bagay.
Simula pa lamang ng ikasal sina Don Ignacio at Doña Maria ginusto na nilang makatulong para sa pagtatag ng isang kongregasyon. Kaya naman noon Hulyo 24, 1925 sa tulong ng pinakahuling Amerikanong obispo ng Jaro na si James McCloskey, D.D. pinayagan ng Batikano ang pagtatatag ng bagong kongregasyon na pinangalanang Beaterio del Santissimo Rosario (ngayon ay Dominican Sisters of the Most Holy Rosary of the Philippines). Noong Pebrero 14, 1927, pinayagan ng kanyang kongregasyon (tinatawag din ngayon bilang OP Sienna) si Rosario kasama pa ang dalawang mga madre na maitatag ang bagong kongregasyon sa Molo, Iloilo. Ibinigay ni Don Ignacio ang kanilang pamamahay upang maging Beaterio kung saan maraming kababaihan ang pumunta upang maalagaan at maturuan. Karamihan sa kanila ay di kalaunan pumasok sa bagong kongregasyong ito.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinayuhan si Rosario na lisanin ang Beaterio ngunit hindi siya pumayag at sinabing, “Namumuhay kami nang sama-sama at kung mamamatay kami, mamamatay kami nang sama-sama.” Ngunit napilitan din silang lumipat dahil na rin sa mga sundalong Hapon. Lumipat sila sa simbahan ng Molo. Noong Marso 10, 1945, binomba ng mga Amerikano ang Beaterio sa paniniwalang pugad ito ng mga Hapon. Nadamay pati ang paaralan ng mga madre. Nalungkot sila Rosario sa pangyayari.
Pagkatapos ng digmaan, ang pagpapatayo sa nasirang Beaterio ang pinagtuonan niya ng pansin. Iminungkahi ng bagong obispo na magturo sa mga paaralan ang mga madre kaya naman ipinadala niya ang mga ito sa mga unibersidad at mga kolehiyo upang kumuha ng kurso sa pagtuturo. Siya ang naging pinakaunang superyor ng Kongregasyon ng Santissimo Rosario.
Bago pa man maging relihiyosa si Rosario, nagkaroon na ito ng debosyon sa Banal na Eukaristiya dahil na rin sa pagkakaroon nila ng sariling kapilya sa bahay kung saan naroroon ang Banal na Sakramento. Palagi niyang tinatawag ang kanilang mga kapitbahay upang magdasal ng rosaryo habang nakaluhod sila at siya ang mangunguna sa pagdarasal. Nang maging relihiyosa na siya ipinagpatauloy niya ito kung kaya naman ang mga sumunod sa kanya ay nagkaroon ng pang-araw-araw na eksposisyon at pagdarasal sa Banal na Eukaristiya sa kapilya ng bawat kumbento.
Isa ring debosyon ni Rosario ang pagmamahal sa Birheng Maria. Kung wala man siyang ginagawa ang pagdarasal ng rosaryo ang kanyang ginagawa bawat araw. Bawat larawan ng Mahal na Ina sa kumbento ay dinarasalan niya ng isang Ave Maria. Kanyang iniutos sa kanyang mga madre na dapat ipagdiwang ang lahat ng kapistahan ng Mahal na Ina sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang High Mass.
Siya ay isang babaeng dalisay, napakapayak at napakamapagkumbaba, at may pagmamahal sa mga mahihirap at mga nangangailangan. Bilang relihiyosa isinabuhay niya ang mga vows ng isang relihiyoso (chastity, poverty, and obedience) at pati na rin ang mga tuntunin ng Orden. Istrikto siya sa disiplina.
Namatay si Rosario noong Hunyo 14, 1957 pagkatapos tanggapin ang huling sakramento habang pinapalibutan ng kanyang mga madre. Ang kanyang itinatag na Kongregasyon ng Santissimo Rosario (Dominican Sisters of the Most Holy Rosary of the Philippines) ay naging opisyal na kasapi ng Order of Preachers noong Enero 16, 1959.Noong Oktubre 7, 1985 ito ay naging isang kongregasyon sa ilalim na ng Papa. Nagmula sa kanyang itinatag na kongregasyon ang pinakabatang kongregasyon ng mga Dominikong madre, ang mga Dominican Sisters of the Regina Rosarii. Sa kasalukuyan nagpapatuloy pa rin ang proseso upang mapagbigyan ng Batikano ang hakbangin tungo sa kanyang Beatipikasyon at Kanonikasyon.
MGA ARAL SA BUHAY NIYA
•Ang Payak na Pamumuhay
Naging napakapayak ng pamumuhay ni Rosario. Siya ay naging superyor mismo ng kanyang kongregasyong itinatag ngunit hindi siya nagpakita ng pamumuhay na puno ng karangyaan. Payak rin kahit ang kanyang mga gawain. Hindi kasikatan ang hangad niya kundi ang kadakilaan ng Kanyang Lumikha.
•Pagpapahalaga sa Dasal at sa Santo Rosario
Higit kailanman ang dasal ang ating pinakaepektibong paraan upang makausap ang Diyos. Sa dasal dinidinig tayo ng ating Panginoon at kinakausap Niya rin ang mga tumatawag sa kanya. Ang Santo Rosario ay isang uri ng gospel prayer sapagkat tinatahak nito ang mga pangyayari sa buhay ni Kristo at Maria.
Ito ang mga bagay na pinahalagahan ni Rosario. Siya mismo ang naging daan at namuno sa kanyang mga kapitbahay upang makapagdasal sila ng sama-sama sa pamamagitan ng Santo Rosario. Napakahalaga ng Santo Rosario ngunit hindi lahat ng Katoliko alam itong dasalin. Kinakailangan ito ng bawat Katoliko lalo ng kabataan upang mamulat sila na ang Diyos ay may plano para sa kanila. Ipinapaalala ni Rosario sa bawat Pilipino na mayroon silang makakapitan kapag dumating ang mga unos sa buhay.
•Pagiging maalalahanin sa ibang tao
Sa kahit anong antas ng kalagayan ng pamumuhay ng tao, mayroon pa rin kahinaan ang bawat isa sapagkat hindi naman tayo perpekto. Tayo ay mga makasalanan at mayroon pa ring mga pagkakamali kahit tayo pa ay mga alagad ng Diyos. Iyan ang katotohanan.
Ngunit sa halip na husgahan ni Rosario ang kahinaan ng bawat isa, mas nanaig sa kanya ang pagiging maalalahanin sapagkat siya mismo ay hindi perpekto at alam niyang nagkakasala rin siya. Isa itong pagtanggap sa katotohanan ng buhay na nagkakamali man tayo hindi ito ang dahilan upang hindi na tayo mahalin ng Diyos.
•Buong-pusong pagsasabuhay sa Vow of Poverty
Ang pamumuhay na walang kahit anong kayamanan ang isa sa mga dapat isabuhay ng isang relihiyoso. Hindi isang madaling gawain ito sapagkat tatalikuran mo ang lahat upang ihandog naman lahat ng nasa sa iyo para sa Diyos. Nangangailangan ito ng isang buong pusong pagtitiwala sa awa ng Diyos para sa Kanyang mga anak.
Habang tumatanda si Rosario naging mas malalim ang pagmamahal niya sa vow of poverty. Kapansin-pansin palagi ang kanyang pagmamahal sa isang payak na pamumuhay at hindi pagpapahalaga sa mga materyal na bagay. Ang kanyang mga abito ay iilan lamang at kadalasan ang mga ito ay mga tinagpian na dahil na rin sa kalumaan nito. Kung minsan kung anuman ang ibinigay sa kanya na pagkain ipapamigay pa niya ito sa mga mahihirap. Kahit minsan hindi niya ipinagmalaki ang pagiging mayaman ng kanyang pamilya at mas pinili niya ang pagiging isang simpleng relihiyosa. Istrikto si Rosario ngunit hindi niya pinapabayaan ang mga pangangailangan ng kanyang mga kasama.
•Pagiging mapagkumbaba
Ang pamilya at angkang pinagmulan ni Rosario ay mga mayayaman. Sa katotohanan ang pamilya niya mismo ang tumulong para sa mga kinakailangan para sa bagong kongregasyong Dominiko na itinatag niya.
Ngunit kahit ganito ang kanyang antas sa lipunan bilang isang layko noon hindi ito ang naging dahilan upang siya ay maging mapagmataas bilang isang relihiyosa at kahit sa pagiging layko hindi niya ipinagyabang ang kalagayan niya sa lipunan. Nagpakumbaba siya sa lahat at hindi inintindi ang mga ito. Makikita ang kanyang pagpapakumbaba sa pamamagitan ng mga ginampanan niya sa kongregasyon. Nagsilbi siya bilang superyora dahil ginusto ito ng mga kasamahan niya at hindi niya ginamit ang katotohanan na siya ang tagapagtatag nito.
TAWAGAN MO SIYA
PRAYER
(For the beatification of Mother Rosario, OP)
O most loving and merciful Father,
You constantly build up your Church through Your faithful servants
who dedicate themselves to You
in love, service, and generosity.
We thank you, loving Father,
for you have shown
through Your beloved servant, Mother Rosario,
Your constant love and care in the world
by accepting within the Church
a religious family whose members
dedicate themselves to the education
and formation of Your people.
We beg You, loving Father,
to raise Mother Rosario
to the glory of the Blessed Ones.
May her love and dedication
to the work of your Son,
continue to inspire young women and men
to serve Christ faithfully.
We ask this through Christ, our Lord. Amen.
(Here you may present your petition to
God through the prayers of Mother Rosario)
One Our Father,
One Hail Mary and
One Glory Be
For answered prayers please inform:
Mother Rosario Arroyo Commission (MRAC)
c/o Sr. Visitacion Alecto, OP- Chairperson, MRAC
Dominican Sisters Motherhouse, Molo, 500 Iloilo City, Philippines
Tel. (63)(33) 337-9820 Cell: (63) 0928 413 4592
E-mail: mracop@yahoo.com
Sources:
wikipedia.org, dominicansisters-molophil.org, reginarosarii.orgUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6826615397744698819.post-14254817049355328862009-04-23T08:51:00.000-07:002019-10-06T13:43:50.056-07:00San Anselmo
Obispo, Duktor, Santo
KILALANIN NATIN SIYA
inakakilalang mga teologo at mga pilosopo na yata ng Simbahang Katolika sina San Agustin at Santo Tomas Aquino. Ngunit isang tao ang sinasabing nasa pagitan ng dalawang ito sa pagiging pinakaimpluwensyal na Kristiyanong intelektuwal. Siya si San Anselmo, Obispo at Doktor ng Simbahan.
Napakakaunting bilang ng mga kalalakihan ang sinasabing hiyang na hiyang para sa isang pamumuhay na tahimik ng mga monghe at pagiging iskolar tulad ni Anselmo. Ipinanganak mula sa isang pamilyang maharlika ng Aosta sa Peidmont, Italy sa taong 1033, nagtungo si Anselmo sa monasteryong Pranses sa Le Bec noong 1060 umaasang makakapamuhay ng isang tahimik na puno ng pagdarasal at pag-aaral.
Noong bata pa si Anselmo naniniwala siyang ang langit ay nasa tuktok lamang ng mga kabundukan ng kanyang bayan dahil sa matayog talaga ang mga ito. Isang gabi nanaginip siya na nakaakyat sa tuktok ng bundok kung saan nakapunta siya sa mismong bulwagan ng Diyos. Nakita niya ang Diyos doon kasama ang katulong nito. Lumapit siya sa Diyos at nagbigay sa kanya ng isang puting tinapay, isang kaibahan sa normal na itim na tinapay ng kanyang bayan. Kinaumagahan ikinuwento niya ito sa kanyang mga magulang. Ang panaginip na ito ang magbibigay ng kahulugan ng buhay ni Anselmo sa kanyang paghahanap sa Diyos.
Nakapunta nga siya sa Le Bec sa monasteryo ng mga Benedikto. Doon ang inaakala niyang pamumuhay na payak at tahimik bilang isang monghe ay hindi pala magtatagal. Namumuno noon sa monasteryong ito si Lafranc na naging malapit na guro ni Anselmo. Sa katunayan si Anselmo ang pumalit sa kanya sa pamumuno nang maging arsobispo ng Canterbury sa Inglatera si Lafranc noong 1078. Nasa monasteryo na nga si Anselmo ngunit siya ay naging prior nito at napilitan siyang isantabi ang buhay pag-aaral para sa mas aktibong mga gawain. Kinailangan niyang pamunuan ang paaralang itinatag ni Lafranc kung saan ito ay magiging isa sa mga sentro ng edukasyon sa panahong mediyebal.
Ngunit nagsimula ang mas malalang problema ni Anselmo na nakaapekto sa pangarap niya ng isang tahimik na buhay noong 1092 sa kamatayan ng Arsobispo ng Canterbury. Sa panahong iyon na ang hari ng Inglatera ay si Haring William Rufus ay hindi niya pinayagan na may pumalit sa posisyon ng arsobispo upang makamkam niya ang lahat ng buwis. Sa pagkakataong iyon na bakante ang posisyon nasa Inglatera si Anselmo upang pangasiwaan rin ang mga lupain ng kanyang Orden. Biglaan namang nagkasakit si Rufus at inakala nito na siya ay pinaparusahan ng Diyos dahil sa pagiging sakim nito sa pera at hindi pagpayag sa pagkakahalal ng bagong arsobispo.
Sa pagkatakot ng hari, kanyang inihalal si Anselmo na noo’y para na ring bihag ng hari sapagkat hindi niya ito gustong pabalikin sa Le Bec. Ilang beses ring pinilit niyang makaalis pero siya ay hindi pinapayagan. Inihalal ng hari si Anselmo bilang bagong arsobispo. Tumanggi si Anselmo sapagkat wala itong pahintulot mula sa Papa. Ngunit pinilit si Anselmo at ginawa siyang arsobispo noong Marso 6, 1093. Lubos pa rin ang pagpoprotesta ni Anselmo dahil hindi kinikilala ng Roma ang kanyang pagkakahalal hanggang hindi niya natatanggap ang pallium; ibinibigay ito ng Papa tanda ng pakikiisa ng obispong tatanggap nito sa Roma. Ninais niyang makapunta ng Roma upang tanggapin ang pallium ngunit tumanggi si Rufus dahil hindi niya kinikilala ang kapangyarihan ni Papa Urban II. Ngunit gumawa si Rufus ng paraan upang maibigay sa kanya ang pallium upang di lamang makaalis si Anselmo.
Nakipagkasundo si Anselmo na ibalik ang mga kinuha ni Rufus mula sa Simbahan kung gusto niyang manatili dito. Sa loob ng isang taon, muling humingi si Anselmo ng pahintulot upang pumunta ng Roma at humingi ng payo mula sa Papa. Pagkatapos ng isang mahirap-hirap na pagpupumulit sa hari, pinayagan na si Anselmo ngunit pagkaalis pa lamang nito muli na naming kinamkam ng hari ang mga buwis. Hindi na siya muling nakabalik sa Inglatera hanggang sa kamatayan ng hari. Sa pagbabalik ni Anselmo lubos na kagalakan siyang tinanggap muli ng mga tao.
Kung si Rufus ay ganid at sakim sa kayamanan, ang sumunod naman na si Henry I ay ganid sa kapangyarihan. Iniutos niya na siya lamang ang may kapangyarihan sa buong kaharian na magtalaga ng mga bagong obispo kaya naman pati si Anselmo ay ninais niya muling italaga sa ilalim niya. Hindi pumayag si Anselmo at dahil dito napilitan si Anselmo na iwanan ang Canterbury at pumunta sa Lloyns, Pransya upang doon siya pansamantalang mamuno.
Ilang beses din nagpadala ng mga kinatawan si Henry sa Papa upang pabalikin si Anselmo. Kaya naman upang matapos na ito, isinagawa na ni Papa Paschal ang pagpataw ng ekskumunikasyon kay Henry. Dahil naman sa takot ni Henry agad niyang iwinaksi ang pakikialam niya sa Simbahan. Bilang kapalit naman, ipinahayag ng Papa na kikilalanin ng mga obispo ang kapangyarihan nito bilang hari.
Sa mga huling taon niya, ginampanan niya ang mga gawaing pastoral at ipinagpatuloy ang mga pag-aaral at mga pagsusulat sa isang tahimik na pamumuhay gaya ng kanyang ninais. Ilan lamang sa mga nagawa niya ay ang Proslogion at Monologion. Malaki ang pasasalamat ng Simbahan sa pagiging matapang niya sa pagharap sa mga problema ng pagtatalaga sa posisyon niya, ngunit mas hinahangaan pa ang kanyang mga sulating panteolohikal. Dahil sa mga gawain niya tungkol sa sariling pagpapasya at kapalaran, ang misteryo ng pagiging tao ng Diyos, at ang pinakatanyag na pagpapatunay niya sa katotohanan ng Diyos, inihanay siya sa pagitan nina Agustin at Tomas Aquino.
Namayapa siya sa Canterbury noong Abril 21, 1109. Naging santo si Anselmo noong 1494 sa pamamagitan ni Papa Alexander VI at ginawaran ng pagiging Doktor ng Simbahan noong 1720 ni Clement XI. Ngayong taon na ito ipinagdiriwang ang ika-900 taong anibersaryo ng kanyang kamatayan.
MGA ARAL SA BUHAY NIYA
• Pagnanais ng buhay ng tahimik na pagdarasal
Ipinakita ni San Anselmo ang walang hanggang pagnanais niyang mamuhay sa isang tahimik na pagdarasal sapagkat alam niyang sa pamamagitan nito mas makikita niya ang kalooban ng Diyos para sa kanya. Dahil sa pagnanais niya ng ganitong pamumuhay naging bunga nito ang mga pinakadakilang gawain niya: ang Proslogion at Monologion.
Matatagpuan lang natin ang mga hinahanap ng ating puso kung magiging tahimik tayo at makikinig sa Diyos.
• Pagkakaroon ng pananampalatayang naghahanap ng pang-unawa
Ang tunay na pananampalataya ay naghahanap ng pang-unawa sa mga bagay na pinaniniwalaan nito. Paano nating masasabing tunay ang ating pananampalataya kung hindi naman natin nauunawaan ang mga pinaniniwalaan natin? Paano natin maipaglalaban ito kung kulang ang ating pang-unawa dito?
• Pagiging matapang upang magampanan kung ano ang tama
Hindi lahat ay nagkakaroon ng tapang ng loob upang suungin at labanan ang mga maling pamamalakad. Palagi na lang na magiging tahimik o magbibingibingihan tayo sa mga nangyayari sa ating paligid. Hindi na maipagkakaila pa na ang bansa natin ay napakainit sa mga usaping pampulitika. Mananahimik lamang ba tayo? Ang mga banal ay mga tagapagtanggol sa katarungang panlipunan. Ang kanilang pagiging banal ay hindi maaaring maihiwalay sa lipunan. Ginamit mismo ng Diyos ang mga banal kagaya ni San Anselmo upang magkaroon ng pagbabago sa lipunan.
• Pagiging masunurin sa ibinigay na tungkulin
Hindi naging hadlang ang kagustuhan ni Anselmo na maging isang pangkaraniwang monghe na namumuhay nang tahimik upang tanggapin niya ang mga tungkuling ipinagkatiwala sa kanya. Ginampanan niya ang pagiging arsobispo at naging masunurin sa Papa.
Ganoon rin sana tayo. Bilang bahagi ng lipunan at Simbahan, mayroon tayong mga responsibilidad na kailangang gampanan. Makisangkot tayo at huwag magkibit-balikat!
TAWAGAN MO SIYA
PRAYER TO SAINT ANSELM
We beseech The, O Lord, that blessed Anselm, Thy Bishop and illustrious Doctor may approach to pray for us, that these Thy sacrifices may bring us salvation. Through our Lord Jesus Christ, Thy Son, Who lives and reigns with Thee in the unity of the Holy Ghost, one world without end. Amen.
Reference:
dailycatholic.org, wikipedia.org, victorclaveau.com, Anselm: The Joy of Faith by William H. Shannon Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6826615397744698819.post-45908285367059991022008-10-29T02:21:00.001-07:002019-10-06T13:44:23.191-07:00Alagad ng Diyos Alfredo Maria Obviar
Ang Santo Ng Katesismo
KILALANIN NATIN SIYA
Sa huling dekada ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, isinilang ang isa sa mga natatanging Pilipino na ngayon ay nasa proseso ng beatipikasyon at kanonisasyon. Si Alfredo Aranda Obviar ay isinilang noong Agosto 29, 1889 sa Lipa, Batangas. Siya ang natatanging anak nina Telesforo Obviar at Catalina Aranda. Maagang naulila sa mga magulang niya kaya naman siya ay inalagaan ng mga kamag-anak niya sa ina.
Nag-aral si Alfredo sa Kolehiyo ng San Francisco Javier na pinatatakbo ng mga Heswita kung saan nabuo sa kanya ang pagiging isang relihiyoso. Nagtapos siya dito noong 1901. Kanya namang tinapos ang kursong Liberal Arts mula sa Ateneo de Manila University noong 1914. Pagkatapos nito siya ay pumasok sa Pontifical Seminary for Theological Studies ng Unibersidad ng Santo Tomas. Siya ay naordinahan noong Marso 15, 1919. Nang maging kura paroko siya ng Malvar, Batangas nagpakita siya ng hindi pangkaraniwang karisma sa pagsasanay sa mga katekista at pagtuturo ng katekismo sa mga tao laung-lalo na sa mga matatanda.
Naitalaga rin siya sa Cathedral Parish ng Lipa, Batangas bilang kura paroko. Sa Lipa, itinatag ni Alfredo ang maraming mga catechetical centers sa kabayanan at kanayunan. Ayon sa mga matatanda, tuwing Linggo mayroong mga 300 katekista na magtuturo sa mga bata, isang paghahanda para sa panghinaharap niyang gawain. Dahil sa kanyang matinding debosyon at kabanalan bilang isang pari, itinalaga siya ni Obispo Alfredo Versoza (kinikilalang pinakaunang Ilokanong obispo at nasa proseso na rin sa kanyang beatipikasyon at kanonisasyon) bilang Vicar General ng Lipa na sumasakop sa buong probinsya ng Batangas, Quezon, Laguna, at Marinduque. Naitalaga rin siya bilang confessor at chaplain ng Carmelite Monastery ng Lipa.
Noong Hunyo 29, 1944, naitalaga siya bilang Auxiliary Bishop ng Lipa na kung saan nagsanay ang maraming mga boluntaryong katekista sa mga kanayunan. Si Obviar ay isa sa mga nagkaroon ng malaking papel sa milagro ng Carmel ng Lipa. Noong mga taong 1948 hanggang 1950, napabalita ang pagpapakita ng Mahal na Birhen sa isang batang madre, si Sister Teresing, na may kasamang pagsasaboy ng mga rosas. Hindi pa rin matukoy ang naging papel ni Obviar sa pangyayaring ito sa katotohanang siya ay ang chaplain at confessor ng mga Carmelites. Ngunit dahil sa pagsalungat dito ng lupon ng anim na obispo na kumatawan para sa dating Catholic Welfare Organization, walang nagawa si Obviar at Versoza kundi ang manahimik na lamang. At dahil na rin dito, ang mga madre ng Carmel ng Lipa ay unti-unting inilipat sa iba pang mga monasteryo dito sa Pilipinas. Ngunit sinasabing si Obviar at Versoza ay naniwala sa mga pangyayaring naganap.
Maagang nagretiro si Obviar sa kanyang tungkulin bilang Apostolic Administrator ng Lipa. Dahil dito, isang bagong tungkulin ang ibinigay ng Vatican sa kanya bilang Apostolic Administrator ng bagong Diyosesis ng Lucena. Hinawakan niya ang posisyong ito mula noong Marso 15, 1951 hanggang Hulyo 19, 1969 at dahil sa rekomendasyon ni Arsobispo Carmine Rocco, ang Apostolic Nuncio, naitalaga siya bilang unang Obispo ng Diyosesis ng Lucena. Si Versoza ay pinalitan naman ni Rufino Santos (naging Cardinal kinalaunan) sa Lipa. Hindi inaasahan ang pagkakalipat ni Obviar sa Diyosesis ng Lucena ngunit mahalaga ang pangyayaring ito. Ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang mga gawain at itinago niya ng buong puso ang mga naganap sa Carmel ng Lipa.
Mahirap ang magpatakbo sa Diyosesis ng Lucena at kinailangan niyang magkaroon ng mga makakatulong sapagkat mayroon lamang higit sa 30 pari ang diyosesis kaya mahihirapan sila sa ebanghelisasyon ng mga tao. Kulang at kakarampot lamang na bilang ng mga katekista. Malaki man ang hangarin niya kailangan pa rin itong magsimula sa maliit. At noong Agosto 12, 1958 naitatag ang Missionary Catechists of Saint Therese of the Infant Jesus (MCST), sa tulong ni Mother Mercy Medenilla, ang naging unang superior ng MCST, at nang apat pang kababaihan. Ang pinakaunang kumbento ng mga MCST ay itinatag sa San Narciso, Quezon. Sa kasalukuyan mayroon nang higit 270 mga madre ang MCST na pinapanatili ang debosyon at gawain ni Obviar sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo. At upang mapunan ang pagkukulang ng mga pari sa bagong diyosesis, itinatag naman niya ang Mt. Carmel Seminary at pagkalipas naman ito ay ang St. Alphonsus School of Theology. Sa pagkakatatag ng mga ito lumaki ang bilang ng mga pari mula 1951 hanggang 1975. Sa taon ng kanyang pagreretiro, nadagdagan ng higit 100 ang mga pari. Isa sa mga naging utos niya sa mga pari ay ang pagdarasal nila ng Holy Hour sa harap ng Banal na Sakramento o kaya naman ay ang pagdarasal nila ng kahit isang oras lang. Ginampanan niya ang kanyang mga tungkulin bilang pari nang mabuti. Ang kanyang pagmamahal at pag-aalala sa kaparihan ay nakakadaig sa mga kasalanang kanilang nagagawa.
Ginampanan rin niya ang kanyang tungkulin bilang obispo. Palagian siyang nagkakaroon ng mga pagbisita sa mga iba’t ibang parokya upang makilala niya ang mga laiko sa kanyang diyosesis. Nagkaroon ng mga palagiang kumbensyon at mga kongreso ng mga tao. At higit sa lahat nagkaroon pa rin ng mga kumbensyon sa katekismo. Kahit siya ay tumuntong na sa edad na 80 taong gulang, tinitipon pa rin niya ang ilang mga MCST sa kanyang tabi upang sila ay mapangaralan at mabigyan ng mga diskusyon sa katekismo. Dahil na rin sa paglala ng mga karamdaman niya, humalili na sa kanya ang isang Coadjutor, si Jose Sanchez (Cardinal ngayon). Pinangaralan din ni Obviar ang mga madre niya sa kahalagahan ng pagdarasal ng Santo Rosario at ito rin ang isa sa kanyang naging debosyon bilang isang pari. Sa pagreretiro niya, nagbago na rin ang kanyang gawain patungo sa mas marami pang pagdarasal para sa Simbahan at ang pag-aalay ng karamdaman niya kay Jesus para sa mga minamahal niyang MCST. Ginugol niya ang tatlong taong nalalabi sa buhay niya sa piling nga mga MCST sa Tayabas, Quezon. Naging kasiyahan ni Obviar ang pakikinig sa mga MCST tungkol sa mga mumunting kwento nila habang sila ay nasa gawain.
Isinuko niya ang kanyang buhay sa Diyos noong Oktubre 1, 1978, sa kapistahan ni Santa Teresita, sa Mt. Carmel Clinic. Inihimlay ang kanyang mga labi sa kumbento ng mga MCST sa Tayabas, Quezon.
Siya ay inihayag bilang Alagad ng Diyos noong Marso 6, 2001. Pagkatapos nito inumpisahan na ang mga pagsisiyasat at noong 2005 opisyal na iniharap sa Congregation for the Causes of Saints ang resulta. Noong Abril 27, 2007 ibinigay ng Vatican ang Decree of Validity sa mga dokumento at dito nag-umpisa ang Roman Phase o ang pagsisimula ng Roma sa pag-iimbestiga sa buhay ni Obviar. Hindi natin malalaman kung hanggang kailan ang itatagal nito, maaaring abutin ng ilang taon o kaya ay dekada. Ganoon pa man, puno tayo ng pag-asang magkakaroon muli ang ating bansa ng isang santo sa katauhan ni Obispo Obviar.
MGA ARAL SA BUHAY NIYA
• Kabanalan bilang isang Pari
Kakaiba ang ipinakita ni Bishop Obviar bilang isang pari ng Simbahang Romano Katoliko. Sa mga gawain niya naipakita niya ang kanyang pagiging banal. Pagpapahalaga sa katekismo ang isang kakikitaan ng kanyang kabanalan. Hindi maitatago ang suliranin ngayon sa loob ng Simbahan ang pagiging banal ng mga pari. Marami ngayong mga paring nababalita na gumagawa ng mga kabalbalan sa kanilang mga parokya. Nandiyan ang mga balita tungkol sa katiwalian, pagkakaroon ng asawa ng ilan, at ang pinakamatindi ay ang mga sexual abuses . Hindi ganito ang inaasahan sa kanila. Kabanalan ang pinakaunang impresyon sa mga pari sapagkat sila ay ang mga kinatawan ni Kristo dito sa lupa. Ang pari dapat magsilbing halimbawa ng kabanalan upang maging banal rin ang mga taong kanyang pinaglilingkuran.
• Pagiging tapat sa tungkulin bilang Pari
Tapat siya sa kanyang tungkulin bilang isang pari. Iyan ang isang dahilan kung kaya siya ay naitalaga sa iba’t ibang mga posisyon sa Simbahan. Naipakita rin ang katapatan niya sa pagsunod na manahimik sa mga pangyayari sa Carmel ng Lipa. Pati rin ang pagganap niya sa naibigay sa kanyang tungkulin bilang ama ng Diyosesis ng Lucena.
Dapat ring maging tapat ang mga pari sa kanilang mga tungkulin. Hindi sila tinawag ng Panginoon upang pagsilbihan ang kanyang sarili. Ang katapatan niya ay dapat ihandog niya sa Panginoon at sa sangkatauhan sapagkat sila ang naiatas sa kanya upang pangalagaan sila. Ang katapatan sa tungkulin ay naipapakita sa pagtugon nang daglian at ng pagiging bukas palad sa lahat, walang pinipili sapagkat lahat ay anak ng Diyos. Sabihin mang tao lamang ang mga pari ngunit tulad ng lahat siya rin ay tinatawag ng Diyos para maging perpekto.
• Pagpapahalaga sa Katekismo
Katekismo ang naging charism ng paglilingkod ni Bishop Obviar sa Simbahan. Kilala siya sa gawaing ito na masasalamin ngayon sa pamamagitan ng mga Missionary Catechists of Saint Therese (MCST). Pagpapahalaga sa kapangyarihan ng katekismo upang maipalaganap ang Ebanghelyo ang kanyang ipinakita. Ito ang natatanging pagkakakilanlan ni Bishop Obviar sa iba pang mga nasa proseso ng pagiging Santo.
Ang MCST ngayon ang isa sa pinakamalaking kongregasyon ng mga madre na naglilingkod sa Pilipinas. Malaki ang kanilang ginagampanan sa katekismo ng bawat diyosesis na kanilang kinalalagyan. Mahalaga ang katekismo sa pangkalahatan sapagkat ito ang nagiging pormasyon ng ating kabataan sa ating pananampalataya. Malaki ang papel ng simpleng katekismo sa bawat taong nakikinig dito. Kung hindi natin bibigyan ng pagpapahalaga ang katekismo, sino pa ang magtuturo sa susunod na henerasyon tungkol sa ating pananampalataya? May napakalaking papel ang katekismo sa lahat ng mga Katoliko sapagkat ito rin ang nagiging daan upang maging sariwa ang pananampalataya sa atin. Kung mawawala ang katekismo malaking bahagi ng Simbahan rin ang mawawala.
• Pagpapahalaga sa kaparian
Alam ni Bishop Obviar ang kahalagahan ng mga pari. Pari siya at nalalaman niyang malaki ang tungkulin ng kapariaan upang lalo pang maipalaganap ang Ebanghelyo. Dahil sa kakulangan ng mga pari sa kanyang diyosesis kaya itinatag niya ang mga seminaryo. Makikita ang tagumpay ng mga itinatag niya sapagkat mula sa kakarampot na pari, kanya itong naparami hanggang sa kanyang pagreretiro.
Bilang mga laiko, hindi lamang ang mga obispo o mga pari ang magbigay ng pagpapahalaga sa kaparian. Kailangan nating suportahan ang mga kabataang may bokasyon sa pagpapari. Huwag nating patayin ang binhi na sa kanila ay tumubo na. Kahit kailan wala tayong karapatang tuligsain ang bokasyon sa isang tao sapagkat ito mismo ay nanggaling sa Diyos. Ang pinakamasaklap na yatang sitwasyon ay ang sa mga magulang na mismong nagbabawal sa kanilang mga anak. Ibinigay sa inyo ang inyong anak upang sa oras na kailanganin siya ng Diyos inyo rin siyang ibabalik. Pangalagaan natin ang mga bokasyon.
• Pagpapatunay na ang kabanalan ay para sa lahat
Si Bishop Obviar ang iilan lamang sa mga Pilipinong nasa proseso ng beatipikayon at kanonisasyon. Sa ating pagtingin sa mga iba’t ibang santo sa mga simbahan masasabi nating bakit puro mga Europeo ang mga santo sa ating mga Simbahan? Kung minsan nakakababa ito sa ating pagtingin sa ating lahi bilang mga Pilipino sa pag-aakalang wala tayong karapatang maging mga Santo.
Pero sa pamamagitan ni Bishop Obviar, ipinararating rin sa atin na ang kabanalan ay para sa lahat. Ito ay hindi limitado para sa mga Europeo lamang. Ang kabanalan ay walang pinipiling lahi sapagkat hindi tayo nasusukat sa ating lahi. Ang kabanalan ay para sa lahat.
TAWAGAN MO SIYA
(Bilang isang Kapatiran ng mga Pilipinong Katoliko at bilang isang Pangkabataang Website na Katoliko, ang Confraternity of Catholic Saints at Tanghalang Anluwage, Inc., sa pamamagitan ng anluwage.com ay inaanyayahan ang bawat isa sa pagdarasal upang agarang maging Santo ang Alagad ng Diyos, Alfredo Maria Obviar)
PRAYER THROUGH THE INTERCESSION OF
SERVANT OF GOD, ALFREDO MARIA OBVIAR
Father, in your loving compassion, lead us always to do your will, even as we ask you the grace (say your petition or favor), wherein you may always be praised and your faithful servant ALFREDO MARIA OBVIAR can be presented as another example of holiness in the Church. This we ask through the same Christ our Lord. Amen
Our Father, Hail Mary, Glory be…
Our Lady of Mt. Carmel, pray for us.
St. Joseph, pray for us.
St. Therese of the Child Jesus, pray for us.
Reference:
http://www.mcst.com.ph, http://www.wikipedia.org
Special thanks to the Missionary Catechists of Saint Therese of the Infant Jesus, especially to Sr. Evangeline F. Pabalate, MCST, and to the other MCST of San Nicolas, Ilocos Norte. Unknownnoreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-6826615397744698819.post-88451959533158766372008-10-17T03:34:00.000-07:002019-10-06T13:44:50.331-07:00San Andres Kim
Unang Paring Koreano
KILALANIN NATIN SI SAN ANDRES
Ang Korea ay isa ngayon sa mga iilang bansa sa Asya na patuloy ang pagsibol ng Kristiyanismo, lalo na ang Katolisismo. Sa lahat ng mga bansang Asyano, kakaiba ang Korea sapagkat ang Kristiyanismo ay hindi naunang ipinakilala sa bansa kundi ang mga Koreano mismo ang naghanap sa katotohanang dala ng Kristiyanismo. Kaya naman nang dumating ang mga unang misyonerong dayuhan sa Korea noong ika-18 siglo marami na ang mga Kristiyano.
Nag-umpisa ang pagsulpot ng mga Kristiyano sa Korea noong ika-17 siglo kung saan ang mga nagpakilala sa bagong pananampalataya ay ang mga layko mismo. Ang lipunang Koreano noon ay napakahigpit sa pagiging tradisyunal lalo na sa paniniwala. Nanaig sa mga panahong iyon ang Taoismo at Buddismo. Ang Kristiyanismo naman ay itinuturing na isang banta sa mga mamamayan dahil sa ito ay isang dayuhang paniniwala. At tandaan na ang Korea ay tinatawag na “Kahariang Ermitanyo.”
Si San Andres Kim ay kilala rin sa pangalan bilang Tae Gun Kim. Ang Andres ay ang kanyang pangalang Kristiyano. Ipinanganak siya noong Agosto 21, 1821. Bago pa siya ipinanganak namatay na ang karamihan sa mga kamag-anak niyang Katoliko, isa na rito ang kanyang tiya na si Santa Teresa Kim. Ang kanyang lolo na si Taek-Hyun Andres ay napilitang ilipat ang buong pamilya nila sa Yongin, Kyunki, isang liblib na lugar sa kabundukan ang taguan ng mga karamihan sa mga Katoliko at pitong taong gulang siya noon. Tinuruan ng kanyang ama na si Ignacio Kim si Andres ng mga letrang Tsino at ang ina naman niya na si Ursula Ko ang nagturo pa kanya sa paniniwalang Katoliko.
Noong Enero 1836, dumating si Padre Pedro Maubant na siyang nagbigay ng unang Komunyon ni Andres. Ang pakay ni Padre Maubant sa Korea ay ang maghanap ng mga batang lalake na magiging mga pinakaunang paring Koreano. Isa sa mga napili ay si Andres. Mismong si Andres ay hindi na tumutol pa ng kunin siya ng pari at ang kaniyang mga magulang naman ay todo suporta sa kanya. Kasama ang tatlo pang mga kalalakihan, si Andres ay tumungo sa Macao sa pamatnubay ni Maubant. Sila ay tumuloy kasama ang mga pari ng Paris Foreign Mission. Ngunit sa isang pagkakataon kinailangan nilang lumikas dahil sa pagkakaroon ng mga riot sa Macao. At napilitan silang lumikas sa Maynila, Pilipinas. Sa kanilang pagbabaik sa Macao nawala ang isa niyang kasama. At noong Abril 1834, mas lumala pa ang kalagayan ng Macao kung kaya sila ay lumikas sa isang monasteryo ng mga Dominiko. At Nobyembre rin ng taon na iyon bumalik sila sa Macao.
Noong 1834 rin nagsimula ang religious persecution sa Korea kung saan marami sa mga Katolikong Kristiyano ang namatay kasama na ang mga kamag-anak ni Andres. Natapos ni Andres ang pag-aaral niya sa pilosopiya noong 1841 at agad siyang pumasok sa pag-aaaral ng relihiyon. Malaki ang naitulong ng Macao at Maynila sa pagkatuto pa ni Andres. Maraming beses sinubok ni Andres na muling makabalik sa Korea ngunit hindi siya nagtagumpay dahil sa mahigpit na pamamalakad na nanaig. Noong 1844 natapos niya ang kanyang mga pag-aaral sa teolohiya. Muli niyang sinubok ang pagbalik sa Korea at sa pagkakataong ito misyon niyang siyasatin ang kalagayan ng Korea upang maibalita ito kay Obispo Pereol.
Pagkatapos ng kanyang muling pagbabalik, inihanda ni Andres ang pagdating ni Obispo Pereol sa Korea. Bumili siya ng isang bangka upang masakyan ng Obispo at nga kanyang mga kasamahan. Naglayag siya kasama ang ilang magsasaka patungong Shanghai. Ngunit sa kanilang paglalakbay nakaranas sila ng bagyo. Sinasabing nagkaroon ng sea sickness si Andres ngunit hindi niya ito inalintana at nagawa pang pakalmahin ang mga kasamahan niys sa pamamagitan ng pagpapakit ng isang larawan ni Maria at pagsasabing ililigtas sila ni Maria. Nabalitaan ng Obispo ang pagdating ni Andres sa Shanghai at agad-agad itong tumungo sa kanya. At noong Agosto 17, 1845 sa isang maliit ng Korean town sa Tsina, naging pinakaunang Koreanong pari si Andres ng ordenahan siya ni Pereol. At ang pinakaunang Misa niya ay naganap sa seminaryo ng Mandang.
Pagkatapos nito, kasama ang Obispo at isang pari, naglayag sila patungong Korea sa isang barkong pinangalanang Raphael. Dumanas ito ng isang bagyo na naging dahilan ng pagkasira ng ilang bahagi ngunit nagpatuloy pa rin sila hanggang sa marating nila ang Nabawi, Korea. Tumigil pansamantala ang Obispo doon sa bahay ng isang mananampalatay upang matuto ng Koreano habang si Andres naman ay kinailangang maglakbay sa iba’t ibang bahagi ng Korea. Hindi naging hadalang kay Andres ang problema sa wika dahil siya ay Koreano at nakaiintindi ng iba pang wika kaya malaya niyang nabisita ang mga Katoliko sa mga sulok ng Korea upang sila ay papanatagin. Dahil dito binigyan ni Pereol si Andres ng mataas na posisyon sa Simbahang Katoliko ng Korea.
Naghanap siya ng matutuluyan para sa Obispo sa Seoul. At pagkatapos nito ay nagpunta siya sa bayan nila kung saan siya ay nagkaroon ng isang Misa. Sa Misa, kanyang napagtanto na ang buhay niya ay hindi na para sa kanya pa kundi para sa Diyos.
Sa utos ng Obispo nagpadala si Andres ng sulat para sa mga kasamahan nila sa Tsina. Nipadala niya sa pamamagitan ng mga mangingisdang Tsino na kanyang nakilala. Sa panahon na iyon mahigpit ang Korea sa mga dayuhan kaya gusto nilang habulin ang mga nasabing Tsino. Patakaran na ang mga bangka ng mga pangkaraniwang tao ay maaaring gamitin ng pamahalaan kapag may mga mahalagang Gawain. Nakita ng mga pulis ang bangkang dala ni Andres at sinubok nilang kunin pero tumanggi si Andres. Dahil ditto, hinuli si Andres ng mga pulis at ipiniit sa iba’t ibang mga kulungan. Napag-alaman ng mga namumuno na si Andres ay isang pari na nag-aral sa ibang bansa. Namangha sila sa kaalamang taglay niya sa mga Kanluraning bagay. Kaya nang minsang magbanta ang mga Pranse na susugurin nila ang bansa kung hindi nila bubuksan ito sa kalakaran, gagamitin sana si Andres para makipag-usap sa kanila. Ngunit hindi ito natuloy. Kaya nahatulan siya ng kamatayan.
Noong Setyembre 16, 1846, pinugutan ang 26 taong gulang na pari sa harap ng mga tao at ginamit ang kanyang ulo bilang isang babala sa kanila. Nagpatuloy ang mga persukusyon sa mga Kristiyano sa Korea dahil na rin sa kagustuhan ng mga Koreano na manatili ang Kristiyanismo sa kanilang bansa. Noong 1984, nagging Santo si Andres Kim kasama pa ang 102 Santong Koreano sa pamamagitan ni Papa Juan Pablo II.
MGA ARAL SA BUHAY NIYA
•Katapatan sa pananampalataya sa harap ng kamatayan
Naging tapat si San Andres sa ating pananampalataya kahit pa siya ay mahatulan ng kamatayan. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng mga Katolikong Koreano. Alam niyang mapapahamak pa ang mas maraming Katoliko kaya itinikom niya ang kanyang mga bibig. Kahit may pagkakataon pang mabuhay siya hindi niya ito ginamit dahil alam niyang mas mabuti na siya na lamang ang maging biktima kaysa sa mas marami pa.
Kung magiging mga martir lamang ang bawat Katoliko sa kanyang pananampalataya kay Kristo ang mundo ay magiging banal. Tayong lahat ay kinakailangang maging mga saksi ng Diyos na buhay sa mundong ito. Huwag tayong matinag sa mga pagsubok ng pananampalataya. Kailangan nating maging matatag hanggang sa muling pagdating ng Panginoon.
•Pagtitiis para sa pananampalataya
Malaking pagtitiis ang ginawa ni San Andres sa kanyang buhay. Nagtiis siyang maging malayo sa kanyang baying sinilangan upang siya ay maging pari ng Diyos at ng kanyang mga kababayan. Alam niyang sa pagtitiis na ito ay magiging maganda ang epekto.
Kailangan talagang tayong lahat ay magtiis at magsakripisyo para sa ating pananampalataya. Tandaan natin na tayo ay nilikha ng Diyos upang siya ay sambahin at paglingkuran sa habang panahon. Kung tinatawag man tayo ng Diyos sa isang gawain, nararapat lamang na atin itong punan kahit hindi ito ang ating ninanais. Ang pagtitiis ay isang napakagandang birtud.
•Ang buhay ay para lamang sa Diyos
Ito ang isa sa pinakatampok sa buhay ni San Andres Kim. Kahit sinong Santo ito ang nagiging pinakamalaking natatanto nila sa paglilingkod nila sa Diyos. Nakita ni San Andres Kim ang pangangailangan ng kanyang mga kababayan ng isang pari upang gumabay sa kanila. Dahil ditto siya ay nagging Ama ng mga Katolikong Koreano.
Kahit anuman ang ationg kalagayan sa buhay, dapat tandaan natin na ang buhay natin ay para sa Diyos. Dapat nating isipin na sa pinakaunang pagkakataon tayo ay nagmula sa Diyos kung kaya naman tayo rin ay para lamang sa Kanya. Kung gayon, kailangang ang bawat gawain at mga kilos natin ay para lamang sa Kanya. Siyang nagligtas sa atin at Siynag nagbibigay buhay sa atin.
TAWAGAN MO SIYA
Prayer Through The Intercession
of Saint Andrew Kim And Companions
Glorious Father,
You have created all nations and
You are their salvation.
In the land of Korea, Your call to the Catholic faith
formed a people of adoption whose growth
You nurtured by the blood of
Saints Andrew, Paul, and their companions.
Through their intercession, give us the strength
to remain always faithful to Your commandments.
We ask this through Christ our Lord.
Amen.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6826615397744698819.post-90002976505650018482008-08-29T02:53:00.000-07:002019-10-06T13:45:16.941-07:00San Luis ng Pransiya
Ang Hari at ang Santo
KILALANIN NATIN SI SAN LUIS
Ang pagiging relihiyoso ni Luis ay nakuha niya sa kanyang ina. Ginawa ang lahat ng kanyang ina upang maitanim sa kanya ang mga birtud at tamang asal bilang Kristiyano; minsan nang sinabi ng kanyang ina na mas magandang mamatay na lamang siya kaysa sa magkaroon siya ng kahit isang kasalanang mortal.
Si San Luis ay ang anak nina Haring Luis VIII ng Pransya at Blanche ng Castile. Kilala siya sa pangalang Luis IX, hari ng Pransya na ipinanganak noong Abril 25, 1214. Maagang namatay ang kanyang ama, noong Nobyembre 8, 1226, kung kaya sa gulang na 12 siya ang naging natatanging tagapagmana sa trono ng Pransya. Sa kanyang koronasyon sa Katedral ng Reims ipinangako niya na siya ay mamumuno bilang tagapaglingkod ng Diyos, bilang ama ng kanyang nasasakupan at feudal lord ng kanyang Hari, ang Hari ng Liwanag. Maaaring ganito rin ang sasabihin ng iba pang mga monarka ngunit kakaiba ang kay Luis dahil ang mga tungkulin niya bilang hari ay kanyang tinuklas sa pamamagitan ng pananampalataya.
Dahil siya ay masyadong bata pa upang maging hari ng Pransya, ang kanyang ina muna ang namuno sa kaharian bilang reyna-rehiyente. Hindi matukoy kung kailan ang pagsisimula ng pamumuno ni Luis ngunit sa kanyang pamumuno malinaw na ang ang kanyang ina ay naging mahalagang tagapayo sa tanan ng kanyang pamumuno.
Karamihan sa mga istoryador ang nagsasabing si Luis ay nagsimulang mamuno bilang hari noong 1234. Sa gulang na 19, napangasawa niya si Marguerite ng Provence, 12 taong gulang, kapatid ni Eleanor na asawa naman ni Henry III ng Inglatera. Ang kanilang pagiging mag-asawa ay kuwento ng masayang pagmamahalan ngunit mayroon pa ring mga hindi maiiwasang pagsubok. Nagbunga ang kanilang pag-iisang dibdib ng sampung anak.
Bilang isang Kristiyanong hari ng Europa, kanyang sinuportahan ang mga Krusada. Sa katunayan, dalawang beses siyang nakasama mismo sa Krusada. Parehong kabiguan ang naidulot ng mga Krusadang ito na naging dahilan pa nga ng kamatayan niya.
Una siyang sumabak sa Krusada sa Ikapitong Krusada noong 1248. Nagtagumpay siya na agawin ang Damietta ngunit hindi nagtagal ito. Dahil sa paghina ng kanilang puwersa dahil na rin sa pagkakaroon ng mga mersinaryo ng disenterya, sila ay nabihag ng mga Muslim. Habang siya ay nakakulong, araw-araw niyang dinarasal ang Divine Office at dinidinig ang pagbasa sa araw na iyon kasama ang ilang pari. Kung kaya sa kagustuhan ni Luis na sila ay mapalaya muli niyang ibinalik ang Damietta at nagbayad pa ng halaga sa mga kalaban. Nanirahan siya ng apat na taon sa mga Kahariang Krusada ng Acre, Caesarea, at Jaffe kung saan gumawa siya ng isang matibay na depensa laban sa mga kalaban at sinubukang magkaroong ng diplomatikong pakikipag-usap sa Syria at Egypt. Pagkatapos ng Krusadang ito muli siyang bumalik sa Pransya.
Kilala si Luis bilang isang patron ng sining sa buong Europa. Bilang hari malaki ang kanyang impluwensya sa pag-unlad ng sining at arkitekturang Gothic. Isa sa mga halimbawa ng pag-unlad na ito ay ang kanyang personal na kapilya, ang Sainte-Chapelle sa Paris. Bilang hari ng Pransya si Luis ang kinikilalang isa sa pinakamakapangyarihan ng kanyang panahon dahil ang Pransya noon ang pinakamayaman at may pinakamaraming sundalo. Ngunit si Luis ay hindi naging kilala dahil lamang sa mga materyal na bagay at pakikidigma ngunit dahil ito sa kanyang kagandahang-loob. Kinikilala siya ng ibang monarka ng Europa bilang isang dapat pamarisang Kristiyanong hari at itinuturing siyang perpektong kinatawan ng buong Kahariang Kristiyano (Christendom). Kahit buhay pa si Luis ay nakatatak na sa kanya ang pagiging banal. Kung kaya siya ay naging isang tagapamagitan sa mga alitan sa pagitan ng mga hari ng Europa.
Malaki rin ang naiambag niya sa administrasyong sibil. Pinalitan niya ang ilang mga patakaran sa pag-usig at iba pang gawaing pampamahalaan. Mahal ni Luis ang mga taong kanyang nasasakupan lao na ang mga mahihirap. Nagpatayo siya ng mga ospital, binisita niya ang mga may sakit, at, gaya ng kanyang itinuturing patron na si San Francisco de Asis, pinangalagaan niya pati ang mga may ketong. Dahil dito siya kinikilala ng Secular Franciscan Order bilang isa sa mga tagapagtangkilik nila. Lubos ang kanyang pagmamahal sa mga mahihirap. Bawat araw may 13 mahihirap siyang kasalo sa pagkain at sa labas ng kanyang palasyo ay nagpapakain siya sa mga mahihirap. Tuwing Undas at Adbiyento, lahat ng lumalapit upang humingi ng makakain ay binibigyan niya at siya mismo ang nagsisilbi sa kanila. Sa pamumuno niya bilang hari siya ay nagkaroon ng isang listahan ng lahat ng mga mahihiarap sa kanyang kaharian.
Sa lahat ng pagkakataon, ginampanan ni Luis ang tungkulin ng Pransya, bilang “pinakamatandang anak ng Simbahan,” na maging tagapangalaga ng Simbahang Katolika na nag-ugat sa pagkorona ng Papa kay Charlemagne bilang Emperador ng Holy Roman Empire noong 800 sa Roma. Sa katunayan ang mga hari ng Pransya ay tinatawag na "pinaka-kristiyanong hari.”
Hindi maipagkakaila na si Luis ay naging aktibo sa Inquisition kung saan isa sa naging pinakamalaking ambag niya dito ay ang paglusob sa mga ereheng Cathar sa Pransya.
Gustong-gusto ni Luis na makinig ng mga sermon ng mga pari at sa katunayan dalawang beses siya nakikinig ng Misa araw-araw dahil dito. Nakawilihan rin niya na maglakbay kasama ang mga pari habang nagdarasal sila. Ngunit kahit siya ay palagiang nakikisama at napapaligiran ng mga pari, hindi siya nag-atubiling kontrahin ang mga pari kapag napatunayan niyang hindi sila makatwiran.
Ninais ulit ni Luis na magkaroon isang Krusada dahil sa isang balitang ang emir ng Tunis ay gustong maging Kristiyano at gusto niyang masaksihan mismo ito. Tumutol ang mga nasasakupan niya sa takot na sila ay mawalan ng isang kahanga-hangang hari. Ngunit ipinagpatuloy niya ito at sinuportahan naman siya ng Papa. Nang makarating siya sa Carthage nalaman niyang ang balitang natanggap niya ay isa pa lang panlilinlang. Marami na sa kanyang mga sundalo ang namamatay dahil sa dysenteria. At siya mismo ay nadapuan nito. Noong Agosto 25, 1270, buong araw hindi nakapagsalita si Luis at pagdating ng alas tres kanyang inihayag ang kanyang huling mga salita: “Sa iyong mga kamay ay ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu.” At pagkatapos nito siya ay namayapa na. Binigyan niya ang kanyang anak ng 36 na mungkahi kung papaano niya patatakbuhin ang Pransya at laht ng ito ay nakasentro sa pagiging isang mabuting Kristiyanong hari at pagsunod sa kalooban ng Diyos.
Siya ay inihayag bilang isang Santo noong 1297 ni Papa Boniface VIII, 27 taon pagkatapos ng kanyang kamatayan. Siya ang natatanging hari ng Pransya na naging Santo. Dahil dito kinuha ng bkaramihan sa mga naging hari ng Pransya, lalo na sa dinastiyang Bourbon, ang pangalang Luis. Isang orden rin ng mga madre ang naitatag bilang pagpaparangal sa kanya ang Congregation of the Sisters of Saint Luis.
MGA ARAL SA BUHAY NIYA
• Pagmamalasakit sa mga mahihirap
Sa ating bansa hindi maipagkakaila na laganap na ang kahirapan dahil sa hindi rin maipagkakailang kawalan ng katarungang panlipunan. Maraming indibidwal at mga organisasyon naman ang tumutulong sa kanila. Ngunit ganito ba ang lahat ng mga tao? Ilan ba sa atin ang may puso pa para sa mga mahihirap?
Ang Diyos mismo na nagkatawang tao ay naging mahirap sa ibabaw ng mundo. Pagpapakita ito na ang Diyos ay walang pinipili, na siya ay Panginoon rin ng mga mahihirap. At hindi nga ba sa pitong corporal works of mercy halos lahat ay tumutukoy sa pagtulong sa naghihirap. Kung magkakaroon lamang ng higit na pagpapahalaga sa kanila baka walang naghihirap ngayon.
• Pagpapatunay na ang Kabanalan ay para sa lahat
Si San Luis ay isang hari. At hindi maiiwasang ikubli sa mga hari ang pagkakaroon ng mga gawaing hindi katanggap-tanggap. Ngunit binago ni San Luis ang impresyong ito at siya ang nagbigay ng patunay na kahit ano pang kalagayan ng iyong buhay maaari kang maging banal.
Ito ang pagtawag ng Simbahan sa ating lahat ang maging banal dahil ito mismo ang pagtawag ng Diyos sa atin. Dapat isaisip ng bawat isa na may mga inihayag na mga Santo hindi dahil sa sila ang nagpapamukha sa atin ng ating pagiging makasalanan at makamundo ngunit sila ang daan upang tayo rin ay maging banal. Maaaring hindi lahat ay maihahayag at kikilalanin ng Simbahan bilang Santo ngunit sa paggawa ng kabanalan may Diyos na nakatingin sa iyo at Siya mismo ang hihirang sa iyo at magiging isa sa kanyang mga alagad sa langit.
• Pamumuno sa pamamagitan ng pagtupad sa kalooban ng Diyos
Ang pumumunong ganito ay isang mahirap na gawain dahil ang pamumuno ay palaging nakakubli sa sekular na mga gawain. Ngunit si San Luis ang nagpakita na maaaring mamuno sa pamamagitan ng pagtupad sa kalooban ng Diyos. Dahil na rin sa pagtupad niya sa kalooban ng Diyos napamunuan niya ang Pransya ng mabuti at naging mapayapa ito sa tanan ng kanyang administrasyon.
Ito ang dapat taglayin ng bawat namumuno sa ating bansa lalo pa’t ang pamahalaan ay puno ng katiwalian. Kahit kailan hindi maaaring maging batayan ng pamumuno ang sariling pag-unawa. Kinakailangan sa pumumuno ang pagkakaroon ng tainga para sa mga pinamumunuan at higit sa lahat tainga para sa pakikinig sa kalooban ng Diyos. Ang pamumuno ay hindi palaging “ako” dapat ito ay maging “tayo” at “Niya.” Dahil walang mangyayari kung ang pakikinggan mo lamang ay ang iyong sarili.
• Pagtatanggol sa Simbahang Katoliko
Bilang isang Katolikong hari, ginawa ni San Luis ang lahat upang maipagtanggol at mapangalagaan ang Simbahan laban sa lahat ng mga problemang nakapaligid dito.
Hindi naman sa sinasabi nating kailangan din nating maging makapangayarihan, maging mga hari, upang tulad niya ay maipagtatanggol at mapapangalagaan natin ang Simbahan. Kinakailangan lamang ng isang mas hayagang pagtatanggol sa ating paniniwala mula sa mga tumutuligsa sa atin. Sa panahong ito kinakailangan ang maging isang well-informed na Katoliko tungkol sa ating mga paniniwala upang maipagtanggol natin ang Simbahan laban sa mga Protestante. Hindi dahil sa dapat nating kamunghian sila ngunit ang Simbahang Katolika kasi ang nagtataglay ng totoong pananampalataya. At kawalan sa isang indibidwal kung titiwalag siya. Kung magiging manananggol tayo ng ating paniniwala maiiwasan ang hindi mapigilang paglipat ng mga Katoliko sa ibang denominasyon. At isa sa mga matibay na organisasyon sa pagtatanggol sa Simbahan ay ang mga Catholic Faith Defenders (CFD).
• Pagiging patas kahit pa sa mga pari
Sa kasaysayan, nagkaroon ng mataas na kalagayan sa lipunan ang mga pari at iba pang mga miyembro ng Simbahan. Kung kaya pati ang Santo Papa ay kinakailangang kaibiganin at maging kaalyado ng iba’t ibang monarka ng Europa lalo na ang mga Kristiyanong hari. Sa likod ng pakikipagkaiban na ito ay ang takot na kapag hindi nagawa ang ninanais ng Simbahan maaari silang mapatawan ng ekskomunikasyon.
Ngunit kahit ganito ang nangyayari noon hindi natinag si San Luis na kontrahin ang mga pari kapag nakikita niyang hindi na sila makatwiran sa mga ginagawa nila at iminumungkahi sa kanya.
Hanggang ngayon mataas pa rin ang pagtingin natin sa mga pari sapagkat sila ang mga ministro ni Kristo dito sa lupa. Tama lang na igalang natin sila. Ngunit kung sila man ay magkakaroon ng mga gawaing hindi katanggap-tanggap, huwag rin tayong matatakot na kontrahin sila. Isaisip na tao pa rin naman sila, hindi perpekto. Ngunit ang pagkontrang ito ay sa isang mahinahon na paraan.
• Pagpapakita sa tungkulin ng mga magulang upang gabayan ang kanilang mga anak
Bahagi ng makulay na buhay ni San Luis ang kanyang ina. Kaya naman hindi natin matatanggal sa ating pag-aaral sa buhay niya ang mga ginawa ng kanyang ina. At maging sa kanyang pagiging ama naipakita rin niya ang paggabay sa kanyang anak na si Philip sa pamamagitan ng kanyang pagmumungkahi para sa kanyang pamumuno bago siya mamatay.
Ang kanyang ina ay nagpakita ng isang ulirang pagganap bilang isang magulang. Ang mga Katoliko ay binibinyagan kapag sanggol pa lamang. At sa kanilang paglaki nararapat lamang na ang mga magulang at mga ninong at ninang ang gagabay sa kanya. Hindi lamang paggabay sa mga pagsubok at mga sekular na bagay kundi sa “formation” ng isang bata sa paniniwalang Katoliko.
Ngunit hindi ganito ang nangyayari sa atin. Maraming magulang na pagkatapos ng binyagan ay nag-aakalang tapos na ang kanilang responsibilidad. Dahil sa ganitong pagpapabaya marami sa mga Katoliko ang hindi nabigyan ng tamang kaalaman sa paniniwala at madaling nahimok ng ibang paniniwala.
TAWAGAN MO SIYA
Prayer For The Intercession Of King Saint Louis IX
Oh holy St. Louis IX, model of Catholic upbringing,and tireless defender of the Kingship of Christ, Despite your royal surroundings you were raised to love God and hate sin, Your kingdom on earth was always ruled by the kingdom of heaven.
Glorious St. Louis IX, who did not hesitate to bring the poor to your own table, intercede for us that we may always strive to imitate our Savior as you so wisely did.
Keep us from the snares and allurements of the world, and help us to live truly Catholic lives at every moment. We ask this through Christ Our Lord. Amen
References:
http://www.wikipedia.org, http://www.americancatholic.org, http://www.ewtn.com, http://www.communityofhopeinc.orgUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6826615397744698819.post-24010608779603997452008-08-07T00:54:00.000-07:002019-10-06T13:45:44.836-07:00Santa Teresa Benedicta De La Cruz
Ang Santo ng Paghahanap sa Katotohanan
KILALANIN NATIN SIYA
Ipinanganak siya bilang Edith sa Breslau, Alemanya (ngayon ay Wroclaw, Poland), sa isang pamilyang purong Hudyo, noong Oktubre 12, 1891, sa mismong Yom Kuppir (Feast of the Attonement) na isang mahalagang pista para sa mga Hudyo; siya ang bunso sa 11 na magkakapatid.
Namayapa ang kanyang ama noong dalawang taong gulang lamang siya. Sa ilalim ng pangangalaga ng kanilang ina nawala ang pananamplataya Hudyo sa kanila. Labing-apat na taong gulang si Edith nang tuluyan niyang talikuran ag ang Hudayismo. Pagtuntung niya sa gulang na 22 taon nagsimula ang kanyang pagtugon sa uhaw na nararamdaman ng kanyang kaluluwa.
Tumigil si Edith sa pag-aaral dahil sa diskriminasyon ng mga Hudyo sa mga paaralan. Kaya nagkaroon na lang siya ng pribadong pag-aaral. At noong 1911 siya ay pumasok sa Unibersidad ng Breslau upang kumuha ng pag-aaral sa wikang Aleman at kasaysayan. Ngunit dahil ang totoong gusto niya ay ang pilosopiya, siya ay lumipat sa Unibersidad ng Gottingen kung saan siya ay napasailalim kay Edmund Husserl, ang ama ng phenomenology, isang pag-aaral sa pilosopiya na kung saan binabalikan ang pag-aaral sa mga bagay. Karamihan sa mga estudyante ni Husserl ay naidirekta sa pagiging Kristiyano dahil sa kanyang phenomenology.
Naging malapit si Husserl at Edith sa isa’t isa at sa katunayan naging guro siya ni Edith sa kanyang pagkuha ng doctarate sa phenomenolgy kung saan siya ay nagkamit ng parangal na Summa cum Laude. Nakilala rin niya si Max Scheeler, isa ring kilalang pilosopo, na nagbigay daan naman kay Edith sa Katolisismo.
Sa isang pagkakataon, siya ay nagtungo sa Katedral ng Frankfurt kung saan nasaksihan niya ang isang matandang babae na kagagaling sa palengke na pumasok sa simbahan at nagdasal. Sa pagkakataong ito napagiba-iba niya ang Hudaismo, Protestantismo, at Katolisismo. Nakita niyang sa mga Katoliko na kahit anong oras pumupunta sila sa simbahan na para bang may kakausapin sila sa loob nito.
Naganap pa ang isang engkwentro sa bahay ng mga Reinach. Si Adolf Reinach, isang Protestante, ay isa ring assistant ni Husserl kung saan siya ay namatay dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig. Pumunta siya sa bahay nila upang tulungan ang asawa ni Adolf na si Anna. Ngunit natigilan siya sa mga pangyayaring nakita niya kay Anna. Sa pagkamatay ni Adolf, sa halip na maging bugnutin si Anna nagkaroon pa ito ng pag-asa at pagtanggap sa pagkamatay ng kanyang asawa. Sa pinakaunang pagkakataon naramdaman ni Edith ang pananampalatayang nakaugat sa krus ni Kristo.
Pagkatapos nito sinimulan nang basahin ni Edith ang mga libro ng Bagong Testamento at pati na rin ng mga sulatin ni Kierkegaard at pati rin ang Spiritual Exercises ni San Ignacio de Loyola.
Ngunit ang sumunod na pangyayari ang magiging daan sa kanyang tuluyang pagiging isang Katoliko. Bumisita siya sa bahay ng kanyang kaibigan na si Hedwig Conrad-Martius, isang Lutheran. Isang gabi habang siya ay nag-iisa sa bahay pumunta siya sa aklatan nila at doon natagpuan niya ang isang libro, ang The Book of the Life ng dakilang Kastilang mistiko, si Santa Teresa de Avila. Buong gabi niyang binasa ito at natapos niya kinaumagahan. Pagkatapos ng pinakahuling pahina ng libro kanyang nasabi sa kanyang sarili, “Ito ang katotohanan!” Pagkatapos ng mga pangyayaring ito si Edith ay naging parang isang ateistang uhaw sa Diyos.
Ang pagkauhaw na ito sa Panginoon ay kanyang napunuan noong Bagong Taon ng 1922 nang siya ay magpabinyag bilang isang Katoliko. Pagktapos ng binyag agad niyang naisip ang pagiging isang Carmelite ngunit siya ay pinigil ng kanyang Spiritual Director. Ipinaalam niya ang pagiging Katoliko niya sa kanyang inang Hudyo at sila ay nagkaiayakan.
Dahil sa pagpigil sa kanya upang maging isang Carmelite, nagsilbi muna siya bilang isang guro sa isang paaralang pinatatakbo ng mga madreng Dominiko sa St. Magdalen’s Convent. Nagkaroon siya ng mga gawaing pang-iskolar tulad ng mga pagsasalin sa mga sulatin ni Santo Tomas Aquino at ni Kardinal Newman. At napagtanto rin niya na kahit wala siya sa buhay relihiyoso ay masasabing isa pa ring paglilingkod sa Diyos ang kanyang pagiging isang iskolar. Napagtagumpayan niyang pagsamahin ang gawaing iskolar at ang pananampalataya. Naging panuntunan niya sa buhay na gabayan rin ang kahit sinuman na maging malapit sa Diyos. Natapos rin niya ang isa sa pinakamatagumpay na sulating pampilosopika niya, ang Finite and Eternal Being.
Ngunit pagdating ng 1933 nabalot ang Alemanya ng kadiliman nang maging malala na ang anti-Semitismo kung saan ang mga Hudyo ay hindi na maaaring magturo pa sa mga paaralan. Kaya noong 1933 siya ay tuluyan nang naging Carmelite sa Carmel ng Cologne, Alemanya sa gulang na 42 taon. Hindi nagustuhan ng ina ni Edith ang ginawa niya kaya hindi sila nag-usap hanggang sa mamatay ang kanyang ina. Nakuha niya ang abito noong Abril 15, 1934 at kinuha ang pangalang Teresa Benedicta de la Cruz o sa literal ay “Teresa, ang nabasbasan ng Krus.” Ang eternal profession niya ay noong 1938. Nagawa niyang maisulat ang The Science of the Cross.
Naging lalong mas mahigpit na ang pamahalaang Aleman kung saan pinagdadampot na ang mga Hudyo kaya nakipag-uganayan na ang superior ng Carmel ng Cologne sa Carmel ng Echt, Holland. At pagdating ng Bagong Taon ng 1939 siya ay lumipat sa Carmel ng Echt kasama ang kanyang kapatid na si Rosa na Katoliko rin. Noong 1942 napasailalim ang Holland sa mga Aleman. Umangal ang mga obispong Dutch sa panghuhuli ng mga Aleman sa mga Hudyo sa Holland kaya bilang ganti ng mga Aleman pinaghuhuli nila pati ang mga Hudyong Katoliko. At noong Agosto 2, 1942, hinuli si Edith at ang kanyang kapatid at dinala sa Auschwitz. Ang pinakahuling kataga ni Edith sa Carmel ng Echt ay nang sabihin niya sa kanyang kapatid, “Halika, tayo ay sasama para sa ating mga kapwa Hudyo.” Namatay siya sa mga gas chambers ng Auschwitz noong Agosto 9, 1942.
Sa pamumuno ni Juan Pablo II naging beata siya noong Mayo 1, 1987 at santo noong Oktubre 11, 1998. Kinikilala siya ng Simbahan bilang Confessor, Birhen, at Martir ng ating pananampalataya. Ang kanyang pista ay tuwing Agosto 9. Tinanghal siyang Co-patroness ng Europa.
MGA ARAL SA BUHAY NIYA
• Paghahanap sa Katotohanan
Nawalan man si Edith ng pananampalataya sa Diyos ng kanyang ina ay nagbigay daan naman ito para sa isang pagkatuklas kay Kristo. Nawalan siya ng pananampalataya ngunit ang kanyang kaluluwa ay naghahanap sa katotohanan. Sa kanyang paghahanap sa katotohanan natuklasan niya hindi ang mundo kundi si Kristo sa Kanyang krus. Ito ang daan ng kanyang paghahanap sa katotohanan, ang daan patungo kay Kristo – “ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Juan 14:6).
Ang tao ay likas na naghahanap sa katotohanan. Sa mga raliyista, katotohanan ang kanilang hinahanap mula sa gobyerno, mula sa lahat ng bagay. Ganito rin dapat ang bawat isa sa atin, naghahanap sa katotohanan sa bawat bagay. Hindi tayo dapat tumigil sa paghahanap ng katotohanan sapagkat “ang katotohanan ang magpapalaya” (Juan 8:32).
At kay Edith ito ang nangyari. Lumaya siya sa matinding uhaw pang-espiritwal at nahanap niya ang katotohanang dala ng pagkakilala kay Kristo. Ito ang dulot ni Kristo sa ating buhay - ang walang hanggang kalayaan sa mga kadena na nagbibigkis sa atin sa buhay sa mga walang saysay na bagay.
• Pagtugon sa Pangangailangang Pang-espiritwal
Sa likod ng paghahanap niya sa katotohanan ay isang matinding pangangailangang pang-espiritwal. Ramdam niya ang pangangailangang ito sa kanyang buhay kaya siya ay nag-aral ng pilosopiya dahil inaasahan niya na sa pamamagitan nito mahahanap niya ang katotohanan upang matugunan ang matinding pangangailangan. Natugunan ng kanyang paghahanap ang pangangailangang ito dahil si Kristo mismo ang pumuno sa kanya.
Ang bawat tao ay may pangangailangang pang-espritwal. Isa ito sa mga bagay na nagiging dahilan ng walang katapusang paghahanap natin sa kaligayahan. Kahit kailan hindi natin mahahanap ang pupuno sa atin kung sa mga bagay na makamundo lamang tayo maghahanap. Ang kinakailangan natin ay si Kristo sa ating buhay dahil ang tao ay mapapanatag lamang sa piling ni Kristo.
• Pagtugon sa Kalooban ng Diyos
Pagkatapos na maging Katoliko ni Edith, alam niya na may plano ang Diyos sa kanya, ang maging isang Carmelite. Nalalaman niya sa kanyang sarili na ang lahat ng mga pangyayari sa kanyang buhay ay naging kalooban ng Diyos.
Ilan ba sa atin ang may tapang na sundin ang kalooban ng Diyos? Kailangang dinggin ang pagtawag ng Diyos. Totoong mayroon tayong sariling kalooban ngunit mas matimbang pa rin ang sa Diyos. Sabi ni Juan Pablo II sa kanonisasyon ni Edith, “Ang buhay ay hindi isang walang katapusang linya ng mga bukas na pinto! Dinggin ang puso! Huwag manatili sa ibabaw kundi tuklasin ang kailaliman ng mga bagay! At kapag dumating ang tamang panahon, magpasya! Ang Panginoon ay naghihinatay na iyong ilagay ang iyong kalayaan sa Kanyang kabutihan.
• Paggabay sa ibang Tao sa Diyos
Nahanap na ni Edith ang Diyos sa kanyang buhay at naging pangako niya sa kanyang sarili ang paggabay rin sa iba upang mapalapit sa Diyos. Ito ang isang naging epekto ng katotohanan sa kanya, na ang Diyos ay hindi lamang para sa kanya kundi para sa lahat at anumang natuklasan natin ay dapat maipamalita sa lahat.
Ang Diyos ay natutuwa sa bawat kaluluwang nagbabalik sa Kanyang piling dahil ito ang Kanyang mithi. Ngunit ang Diyos ay higit na matutuwa kung ang bawat kaluluwang nagbabalik sa Kanya ay magdudulot at magbibigay-daan rin sa pagbabalik ng mas maraming kaluluwa sa Kanyang piling. Kaya ang tanong: Ilang kaluluwa na ba ang iyong naibalik sa Diyos? Ito ang hamon sa bawat isa sa atin.
• Pagkatanto na ang mga Sekular na Gawain ay Paglilingkod din sa Diyos
Gaya rin ito sa ipinahayag ni San Hannibal Maria Di Francia, na naunang naitampok dito, na ang ating mga pangkaraniwang gawaing pang-araw araw (mga sekular na gawain) ay isa ring bokasyon. Ang kadalasang kasing naiisip kapag naglilingkod sa Diyos ay mga gawaing pansimbahan. Anumang gawaing naaayon sa kalooban ng Diyos at ginagampanan ito nang buong puso ay maituturing na paglilingkod sa Diyos. Ngunit ang mga gawaing imoral ay hindi paglilingkod sa Diyos sapagkat ang isang gawaing masama ay hindi kailanman magiging mabuti.
• Pagiging Martir sa Ngalan ng Pananampalataya at sa Kapwa niya Hudyo
Si Edith ay hindi lamang isang martir ng ating pananampalatayang Katoliko ngunit siya rin ay martir sa ngalan ng mga Hudyo. Naging Katoliko man siya dahil sa kanyang paghahanap sa katotohanan, hindi niya kahit isang pagkakataon tinaklikuran ang kanyang pagiging isang Hudyo; ang pananampalataya lamang niya dito ang nawala.
Sa kanyang pagkamatay hindi lamang ito ay dahil siya ay nanindigan para sa kanyang pananampalataya ngunit dahil siya ay isang Hudyo. Hinarap niya ang kamatayan nang walang pag-aalinlangan at inialay niya ang kanyang buhay para sa mga kapwa-Hudyo. At higit sa lahat inialay niya ito para sa Diyos.
Hindi natin kailangang maging martir na gaya ni Edith. Sa panahong ito ang kinakailangan ay mga martir sa pananampalataya. Kinakailangan ng mga martir ng pag-asa at pag-ibig na kahit anong unos ang ating maranasan sa ating kapaligiran ay mananatili ang ating pananalig sa Diyos. Kahit pa ilang pangayayari ang maaring magdulot ng pagkawala ng ating pananampalataya kailangan nating maging mga saksi sa kaluwalhatian ng Diyos at sa kabutihan ng kapwa.
TAWAGAN MO SIYA
PRAYER TO ST. TERESA BENEDICTA OF THE CROSS
Lord, God of our fathers, You brought Saint Teresa Benedicta to the fullness of the science of the cross at the hour of her martyrdom. Fill us with that same knowledge; and, through her intercession, allow us always to seek after You, the supreme truth, and to remain faithful until death to the covenant of love ratified in the blood of Your Son for the salvation of all men and women. We ask this through Christ, our Lord. Amen!
References:
Witness to Hope: The Biography of John Paul II by George Weigel, http://www.vatican.va, http://www.americancatholic.orgUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6826615397744698819.post-43388266779008735762008-07-25T03:38:00.000-07:002019-10-06T13:46:08.278-07:00San Ignacio ng Loyola
KILALANIN NATIN SI SAN IGNACIO NG LOYOLA
Ipinanganak si San Ignacio, bilang si Iñigo Oñaz Lopez de Loyola, noong Disyembre 24, 1491 sa Azpeitia malapit sa Loyola, Espanya. Ang pagpapalit niya ng pangalan mula Iñigo patungong Ignacio (Ignatius) ay sinasabing isinagawa niya dahil ito ang pinakamalapit na katumbas sa wikang Italyano at Pranses.
Bunso siya sa labintatlong magkakapatid. Pitong taong gulang lamang siya nang yumao ang kanyang ina. Noong 1506, kinuha niya ang apelidong “de Loyola” bilang pag-alala sa lungsod ng kanyang kapanganakan. Naging sundalo siya sa ilalim ng Duke ng Najare at Viceroy ng Navarre. Sa ilalim ng Duke maraming digmaan ang kinaharap ni Ignacio kung saan kahit isang sugat ay wala siyang natamo.
Sa mga panahong iyon nasa tutok ng katanyagan si Ignacio. Ngunit sa isang digmaan laban sa mga Pranses noong Mayo 20, 1521, hindi inaasahang natamaan ang kanyang mga paa ng kanyon na naging dahilan ng pagkabali ng kanyang isang binti. At ito ang naging dahilan ng tuluyang pagtigil niya bilang isang sundalo.
Habang siya ay nagpapagaling, nagbasa siya ng mga aklat panrelihiyon. Dahil sa kawalan ng mga aklat panromantiko, nabaling siya sa pagbabasa ng tungkol sa buhay ni Kristo at mga santo lalo na kina San Francisco de Asis at iba pang mga monastiko. Dahil sa isang panaginip tungkol sa Birheng Maria, nagkaroon siya ng paglalakbay sa Marian shrine ng Monserat. Doon inialay niya ang kanyang mga armas at kalasag sa imahen ng Birhen. Nanirahan siya ng isang taon sa Manresa, minsan sa mga Dominiko o kaya ay sa mga kuweba. Sa panahong ito naganap ang pagbabago sa kanyang buhay saan naumpishan rin niya ang pagsusulat niya sa pinakatanyag niyang sulatin, ang Spiritual Exercises.
Nag-aral siya sa iba’t ibang unibersidad ng Europa ng higit labing-isang taon ngunit dumanas ng kahirapan sa pag-aaral niya dito. Sa Unibersidad ng Paris nakilala niya ang anim na magiging pinaka-unang magiging kasamahan niya sa Kapisanan ni Jesus (Society of Jesus) o mas kilala ngayon bilang mga Heswita - kabilang sa kanila si San Francisco Javier.
Kasama ang anim na kasamahan, noong Agosto 15, 1534 sa edad na 43 naitatag ang Kapisanan ni Kristo, isang kapisanan na nanunumpa na magiging masunurin sa Papa nang buong-buo. Sa taong 1537, tumungo mismo si Ignacio sa Roma upang hingin ang pahintulot ng Papa para sa bagong orden. Ibinigay ni Papa Pablo III noong Setyembre 27, 1540 ang pahintulot para maitatag ang orden ngunit ito ay limitado lamang para sa 60 miyembro. Naging pinakaunang Superior General ng mga Heswita si Ignacio. Sa kanyang panunungkulan mariing niyang tinutulan ang ideyalismo tungkol sa Anti-Semitism na naging suliranin niya sa loob ng orden lalo na sa Espanya. Bilang Superior, ipinadala niya ang kanyang mga kasama sa iba’t ibang bansa sa Europa upang magtatag ng mga paaralan. At ito ang isa sa mga tatak ng mga Heswita, ang de kalidad na edukasyon. Isa sa mga paaralang ito ay ang Georgetown University at sa Pilipinas ang Ateneo de Manila University. Sa panahong ring ito malaki ang naimbag ng mga Heswita laban sa Repormasyong Protestante.
Pagkalipas ng tatlong taon, noong Marso 14,1543 tinanggal ng Papa ang limitasyon sa bilang ng miyembro.
At noong 1554, isinulat ni Ignacio ang Konstitusyon ng mga Heswita kung saan ang sandigan nito ay ang personal na motto ni Igancio, Ad Majorem Dei Gloriam (For the greater glory of God).
Ang Spiritual Exercises ay nasulat mula 1522 hanggang 1524. Naglalaman ito ng mga meditasyon at mga panalangin na maaaring basahin mula 28 hanggang 30 araw na naglalayong mapalago at mapatatag ang mga paniniwala ns isang tao sa mga gawain ng mga Katoliko. Ayon kay Papa Pio XI, ito ay ang “pinakamagaling na panuntunang pang-espiritwal na gagabay sa kaluluwa tungo sa kaligtansan at perpeksyon.” Naipalimbag ito noong 1548.
Noong Hulyo 31, 1556, pagkatapos ng mahaba-habang panahon ng pakikibaka niya sa isang matinding karamdaman sa tiyan, yumao si Ignacio gulang na 65.
Higit 50 taon pagkatapos ng kanyang kamatayan, noong Hulyo 27,1609, ipinahayag ni Papa Pablo V ang kanyang pagiging beato. At noong Marso 12, 1622, ipinahayag ni Papa Gregorio XV ang pagiging santo ni Ignacio.
MGA ARAL SA BUHAY NI SAN IGNACIO
Pagiging sundalo sa ngalan ni Kristo
Si San Ignacio ang larawan ng isang taong handang magbago para sa Diyos. Nang dumating ang panahon na siya ay malumpo, nakita niya sa kanyang sarili na siya pala ay hindi lamang isang sundalo ng katanyagan ngunit siya rin ay isang sundalo ni Kristo. Maituturing mang isang napakakaraniwang pangyayari ang nagbigay-daan para sa kanyang pagbabago, masasabing kahanga-hanga siya dahil hindi niya pinalampas ang pagkakataong ito.
Ngayon, ilan ba sa atin ang nakakabasa nang mabuti sa mga ipinahihiwatig ng Diyos sa atin? Ang iba kapag dinaratnan ng mga matinding suliranin panay ang pagdarasal at pagsasabi ng mga pangako sa Diyos ngunit sa huli hindi rin ito natutupad. Ang iba naman kahit ano pang suliranin ang dumating hindi sila kumikibo at nagmimistula silang nagtataingang-kawali sa harap ng Diyos. Ilan nga ba sa atin ang handang maging sundalo ni Kristo?
Pagiging masunurin sa Papa
Ito ang natatanging katangian sa mga Heswita, ang pagiging masunurin sa Papa na kahit saan sila ilagay nito ay susunod sila nang walang alinlangan. Ito ang naging buhay ni San Ignacio - ang walang humpay na pagsunod sa Papa. At sa pamamagitan nito naipakita niya ang kanyang pagiging sundalo ni Kristo.
Marami sa mga Katoliko ngayon ang halos hindi na kilala ang Papa. Maaaring kilala nila siya ngunit hindi alam ang kahalagahan ng pagkakaroon nating mga Katoliko ng isang Papa. Kung minsan nakikita ang Papa bilang ang pinakamataas na pinuno ng Simbahan lamang ngunit di nila nalalaman na ang Papa ay ang kahalili ni Kristo dito sa lupa.
At kahit mismong sa loob ng Simbahan may mga paring hindi na alam ang pagsunod sa Papa dahil sa kanilang pansariling opinyon. Dapat maipaintindi na ang Simbahan ay hindi para lamang sa iyo o sa akin kundi ito ay para sa lahat sapagkat ang Simbahan ay isang komunidad. At ang Papa ang sumisimbolo sa pagiging iisa nating mga Katoliko.
Walang takot na pagtatanggol sa Katolisismo
Sa panahon ni San Ignacio, naganap ang pinakamalaking pagkakawatak-watak ng mga Kristiyano dahil sa mga iba-ibang paniniwalang nagsulputan noon. Naganap sa panahong iyon ang Repormasyong Protestante. Ngunit malaki ang papel na ginampanan ni San Igancio kasama ang mga Heswita sa pagsupil dito. Hindi siya natakot sa mga Protestante na sa mga panahong iyon ay nagsasabing maling-mali ang Katolisismo.
Nasuway man ni San Ignacio ang Repormasyong ito, nararamdaman pa rin natin hanggang sa ngayon ang lamat na dulot nito. Lubhang napakarami na nga mga denominasyong Kristiyano. Ngunit kahit napakarami na ay nananatiling pinakamarami ang mga Katoliko, mas marami ng ilang beses kaysa sa mga iba.
Ito ang hamon sa mga Katoliko, handa rin ba tayo sa mga pagkakataong masusubok ang paniniwala natin hindi lang ng mga suliranin kundi ng mga taong nanghihikayat sa atin sa ibang paniniwala? Ilan sa atin ang tatayo at magtatanggol sa ating paniniwala? Ang lahat ng ito ay tumutumbok sa iisang bagay, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa ating paniniwala. Ang taong may sapat na kaalaman ay hindi mag-aalinlangan kailanman.
Pagpapahalaga sa edukasyon
Sa katunayan, si San Ignacio ay hindi nakapag-aral nang mabuti noong bata pa siya. Kaya mapapansing sa kanyang pagtapak sa mga unibersidad ay nahirapan siya. Ang kanyang Spiritual Exercises, ito ay hindi talagang nasulat sa wikang Espanyol kundi sa Basque, ang wika sa bulubundukin ng Pyrenees sa hilagang Espanya. At kahit isinalin pa ito ni San Ignacio sa Espanyol maraming mga pagkakamali siyang nagawa.
Kung susuriin ang mga dahilang ito iisa ang ipinahihiwatig nito, ang kahalagahan at pangangailangan ng edukayson. Kaya kung mapapansin na pangkaraniwan sa mga Heswita ang pagpapatakbo ng mga paaralan. Mga paaralang masasabing kahanga-hanga dahil sa kagalingan ng pagtuturo. Ito ang isang katangiang kinakailangang tularan ng mga kabataan ngayon, ang pagpapahalaga sa edukayson dahil ang edukasyon lamang ang magbibibgay daan sa isang magandang kinabukasan.
Paghahandog ng lahat-lahat para sa Diyos
Ang paghahandog ng lahat-lahat sa Diyos ang buod sa buhay ni San Igncio. Sa pagkakalumpo niya, hindi siya nag-alinlangan na sumunod sa Diyos. Sa pagiging unang Superior ng mga Heswita ibinigay niya ang lahat para mapamunuan nang mahusay ang kanyang mga kasamahan. At higit sa lahat ibinigay niya nang buo ang kanyang buhay sa Diyos hanggang sa pinakahuling sandali ng kanyang buhay.
Kung magiging bukas-palad lamang tayo sa Diyos upang masunod ang Kanyang kalooban mapayapa na sana tayo. Isang paghamon sa lahat ang ipinakita ni San Ignacio, ibinigay niya ang lahat sa Diyos nang walang pag-aalinlangan. Ito mismo ang napapaloob sa kanyang dasal, ang paghingi ng tulong sa Diyos upang maging bukas-palad siya, na kanyang maialay ang lahat-lahat sa iba na di iniinda ang laki ng mawawala sa kanya o maghintay ng anumang kapalit.
At sa pagiging bukas palad, idinidiin ni San Ignacio na kailangang ito ay para sa kuluwalhatian ng Diyos. Kaya sa bawat kilos at galaw natin dapat ito ay para sa kaluwalhatian ng Diyos lamang.
TAWAGAN MO SIYA
Prayer
O God, Who in Thy most merciful Providence didst call Thy faithful servant, Ignatius of Loyola, to a life of the most exalted sanctity in the very close imitation of Thy Divine Son, grant, we beseech Thee, that through his powerful intercession, we may persevere in following in the footsteps of this Thy servant until we breathe forth our souls to Thee as faithful followers of Christ Our King. Amen.
References: : http://www.en.wikipedia.org , http://www.catholicculture.org , http://www.americancatholic.org , My First History of the Church Book by the Sons of Holy Mary ImmaculateUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6826615397744698819.post-14430145132145004052008-07-04T03:06:00.000-07:002019-10-06T13:46:33.115-07:00Santa Maria Goretti
KILALANIN NATIN SI SANTA MARIA GORETTI
Isinilang noong Oktubre 16, 1890 sa Corinaldo, Italya, pinangalanan nina Luigi Goretti at Assunta Carlina ang kanilang pangalawang anak na Maria Teresa. Mula siya sa pamilya ng mga kasama (sharecroppers). Bata pa lamang nakakitaan na ng mga kaibigan at kakilala ni Maria ang kanyang kabanalan.
Naging masyadong mahirap ang pamumuhay ng kanilang pamilya kaya napilitan silang mag-anak na ibenta pati ang kanilang mga ari-arian kaya naging palipat-lipat sila sa mga bayan kapag anihan na. Noong 1899 lumipat sila sa maliit na bayan ng Ferriere, Italya. Sa kagustuhan ng ama ni Maria na mabuhay ang pamilya nila napilitang makipagkasundo siya kay Signor Serenelli na may anak na lalake, si Alessandro. Nakatira lamang sila sa iisang bahay na pagmamay-ari ng Konde ng Mazzolini.
Nagkaroon ng malaria ang ama ni Maria na siyang naging dahilan ng pagkamatay niya. Siyam na gulang lamang si Maria noon. Sa pagkamatay ng kanyang ama mas naging malakas si Maria. Naging masaya ang pamilya kahit mahirap ang pamumuhay nila. Silang lahat ay nagkaroon ng malalim na pagmamahal at pananalig sa Diyos. Isa sa mga pinakamahalagang kaganapan ng kanyang buhay ang unang Komunyon niya noong Hunyo 16, 1901. Kaiba si Maria kaysa sa mga ibang bata ng Ferriere.
Mas matanda si Alessandro kaysa kay Maria ng ilang taon. Masyadong makamundo ang pag-iisip nito na naging mabigat na problema kay Maria. Ilang beses rin na tinangka ni Alessandro na alukin si Maria ng pakikipagtalik sa gulang niyang iyon. Ngunit matindi ang pagtanggi ni Maria sa mga alok ni Alessandro dahil sa kanyang pagmamahal sa Diyos.
At noong Hulyo 5, 1902, 3:30 ng hapon habang nagsusulsi si Maria sa kanilang bahay, pwersahang inalok siya ulit ni Alessandro na makipagtalik sa kanya ngunit matigas talaga ang pagtanggi ni Maria at sinabing “Hindi! Isa itong kasalanan! Hindi ito gusto ng Diyos!” Ngunit nagdilim na ang paningin ni Alessandro at pinagsasaksak niya ang bata ng 14 beses. Naitakbo pa rin si Maria sa ospital at ginawa ng mga doktor ang lahat para maligtas siya subalit hindi sila nagtagumpay. Tumagal pa rin si Maria ng higit sa 20 oras. Sa mga nalalabing oras niya nagawa pa rin niyang patawarin si Alessandro sa kanyang pagkakasala at sinabing gusto niyang makasama si Alessandro sa langit. Hulyo 6, 1902 namatay si Maria sa gulang na 11 taon, 9 buwan, at 21 araw habang nakatanaw sa larawan ng Mahal na Birhen. Sa kanyang pagkamatay napanatili niya ang kadalisayan ng kanyang pagiging birhen at ang pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.
Nahuli si Alessandro at nahatulan sana ng kamatayan ngunit dahil menor de edad lamang nakulong lamang siya. At sa loob 30 taon sa kulungan natutuhan ni Alessandro ang magbagong buhay dahil sa isang panaginip niya kay Maria. Nakita niya sa kanyang panaginip si Maria na binibigyan siya ng mga lily (simbolo ng kadalisayan) na nasunog sa kanyang mga kamay. Pagkalabas ni Alessandro sa kulungan, humingi siya kaagad ng kapatawaran sa ina ni Maria. Abril 27, 1947 nang ipahayag siyang isang “beata” ni Papa Pio XII. Pagkalipas ng 48 taon ng kamatayan – Hunyo 24, 1950 - itinalaga siyang martir at Santa, ang pinakabatang Santa. Nandoon ang ina ni Maria; ang pinakaunang ina sa kasaysayan na nasaksihan ang kanonisasyon ng kanyang sariling anak. Kasama niya ang nalalabi pa niyang mga anak. Si Alessandro ay dumalo din sa nasabing seremonyas.
Pumasok si Alessandro sa seminaryo ng mga Franciscan Capuchins sa Marche at namatay na doon nang mapayapa noong 1970.
Sumisimbulo kay Santa Maria ang 14 na lily tanda na 14 saksak na natanggap niya. Sa kanyang mga imahen, makikita siyang nakadamit-magsasaka at kung minsan ay may hawak na kutsilyo. Kinikilala siyang patrona ng mga kabataan, mga kababaihan, mga biktima ng rape, at ng pagdiriwang ng World Youth Day.
Hulyo 6 (dating Hulyo 5) ang araw ng kanyang kapistahan.
MGA ARAL SA BUHAY NI SANTA MARIA GORETTI
• Kasiyahan sa harap ng matinding kahirapan
Ito ang isang bagay na nawawala na sa mga tao ngayon. Kapag may kahirapan tayong dinaranas iniisip nating napakamiserable na ng ating buhay at sinisisi pa natin ang Diyos. Pananalig at pagkakaroon lamang ng pag-asa sa Diyos ang kailangan natin sapagkat Siya ay mahabagin at hindi Niya tayo pinababayaan. Hindi naging madali ang buhay ni Santa Maria subalit ito’y naging daan pa para lalo siyang mapalapit sa Panginoon.
• Kabanalan kahit bata pa lamang
Masakit mang isipin ngunit karamihan sa ngayon ay hindi na pinahahalagahan ang kabanalan. Ang kabanalan ngayon ay itinatangi na lamang sa mga santo, sa mga pari’t madre at sa mga matatandang manong at manang. Ang hindi nila nalalaman ay kahit tayong mga pangkaraniwang tao ay maaaring maging banal. Alalahanin natin na tayo mismo ay mga “templo ng Espiritu Santo” kaya tayo ay may haplos na ng kabanalan – kahit bata pa lamang tayo.
• Pagmamahal sa Diyos at pagkamuhi sa kasalanan
Ipinakita ni Santa Maria ang pagmamahal sa Diyos at pagkamuhi sa kasalanan sa pamamagitan ng paulit-ulit niyang pagtanggi sa paghimok sa kanya ni Alessandro na makipagtalik. Alam niyang mali iyon at hindi kagustuhan ng Diyos. Ilan na ba sa mga kabataan ngayon at pati sa mga matatanda ang may pagmamahal sa Diyos at pagkamuhi sa kasalanan? Maraming mga kabataan ang pinag-eeksperimentuhan ang kanilang mga katawan at gumagawa ng mga kahalayaan na buong pagmamalaki pang ginagawang mga video. Maraming mga matatanda ngayon ang nangangaliwa. Mga makasalanan nga tayo ngunit dahil dito kailangan nating alalahaning ito dapat ang maging sandigan natin upang mas mapalapit sa Diyos. Kung mawawala ang moralidad sa atin ano nang mangayayari sa bayan natin?
• Pagpapahalaga sa Banal na Eukaristiya
Buong kagalakang tinanggap ni Maria ang unang Komunyon niya. Alam niyang hindi lamang isang tinapay ang tinatanggap niya kundi si Kristo mismo. Ganito rin sana ang bawat taong tumatanggap sa Eukaristiya. Karamihan sa ngayon ay iniisip lamang na kailangang tanggapin ito dahil nasa Misa ito. Ang pagtanggap sa Komunyon ay pagtanggap kay Kristo. Buhay na walang hanggan ang dulot ng pagtanggap sa Kanya. Nakalulungkot lang isipin na nawawalan na ang kahulugan ito sa ilang tao sa ngayon. Hindi na sangayon sa kabanalan ang mga kinikilos natin, banal tuwing Misa ngunit kabaligtaran na paglabas ng simbahan.
• Pagpapahalaga sa kadalisayan (purity)
Hindi na dalisay ang pagtingin ng mga tao sa salitang “kadalisayan” o pagiging birhen. Marami ngayon ang hindi na nagpapahalaga sa pagiging birhen bago pa ang pag-aasawa lalo na sa mga kabataan. Marami ang nag-iisip na hindi na uso ang maging birhen kaya nahihimok silang makipagtalik kahit sa hindi pa kasal. Dapat sana nating isipin si Santa Maria sapagkat siya ay dalisay sa tanan ng kanyang buhay. Kung tayo ay may pagkakataong maging dalisay hindi ba natin dapat itong panatilihin hanggang sa panahon ng ating pag-aasawa o kung hindi man tayo mag-aasawa ay sa tanan rin ng ating buhay?
• Pagiging mapagpatawad
Ito ang pinakamahalagang aral ng buhay ni Santa Maria Goretti. Pinatawad niya si Alessandro dahil alam niyang walang magagawang kabutihan kung pananatilihin pa niya ang galit sa kanyang puso bago siya mamatay. May magagawa bang kabutihan sa ating lahat kung tayo ay magkikimkim ng galit sa ating puso? Wala, dahil kung ang Diyos ay mapagpatawad ganoon rin dapat tayo maging mapagpatawad. Kung ikaw na tao ay palaging pinatatawad ng Diyos sa harap ng paulit-ulit na pagkakasala bakit hindi mo maaaring mapatawad ang pagkakasala ng iyong kapwa na minsan lang niyang ginawa? Kung hindi tayo marunong magpatawad wala sa atin ang pag-ibig ng Diyos at ang Diyos mismo wala sa atin. Ito rin ay isang uri ng kadalisayan, kadalisay ng puso laban sa mga pagkamuhi sa kapwa tao.
TAWAGAN MO SIYA
Official Prayer to St. Maria Goretti
Oh Saint Maria Goretti who, strengthened by God's grace, did not hesitate even at the age of twelve to shed your blood and sacrifice life itself to defend your virginal purity, look graciously on the unhappy human race which has strayed far from the path of eternal salvation. Teach us all, and especially youth, with what courage and promptitude we should flee for the love of Jesus anything that could offend Him or stain our souls with sin. Obtain for us from our Lord victory in temptation, comfort in the sorrows of life, and the grace which we earnestly beg of thee (here insert intention), and may we one day enjoy with thee the imperishable glory of Heaven. Amen.
Our Father, Hail Mary, Glory be to the Father, etc.
St. Maria Goretti, pray for us!
We would like to acknowledge the Friends of Saint Maria Goretti USA, Inc. for their help in constructing this article especially to their President, Bro. Goretti Zilli, MM.
References: http://en.wikipedia.org , http://www.mariagoretti.orgUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6826615397744698819.post-71203864467247189552008-06-20T01:16:00.000-07:002019-10-06T13:47:01.562-07:00San Josemaria Escriva
KILALANIN NATIN SI SAN JOSEMARIA ESCRIVA
Si San Josemaria Escriva de Balaguer ay isang Espanyol na pari na isinilang sa Barbastro, Spain noong Enero 9, 1902. Ang tunay niyang pangalang Jose Maria Mariano Escriva y Albas. Siya ang pangalawa sa anim na anak at una sa dalawang anak na lalaki nina Jose Escriva y Corzan at Maria de los Dolores Albas y Blanc.
Una niyang natanto ang tawag sa kanya ng Diyos dahil sa mga nakita niyang yapak ng isang mongha sa niyebe. Para sa kanya, ang pinakamagandang paraan upang matugunan ang pagtawag na ito ay sa pamamagitan ng pagpapari. Pagkatapos niyang matanggap ang pahintulot ng kanyang ama para magpursige sa pagpapari, nag-aral siya sa pagpapari sa Lagrono at Zaragoza, Espanya. Siya ay naordihan bilang diyakono noong Diyembre 20, 1924 at bilang pari noong Marso 28, 1925; parehong naganap sa Zaragoza. Pagkatapos ng maikling panahon na pagkakadestino sa isang maliit na parokya, noong 1927, siya ay nagtungo sa Madrid kung saan siya ay nag-aral ng pagiging notaryo sibil sa isang unibersidad.
Mas nakita pa niya ang kalooban ng Diyos para sa kanya sa pamamagitan ng mataimtimang pagdarasal kaya noong Oktubre 2, 1928 kanyang itinatag ang Opus Dei. Ayon sa pagsasalaysay ni Escriva, natanto raw niya na kinakailangan niyang magtatag ng isang samahan ngunit alam niya na ang kanyang itatatag ay hindi niya gawa, na siya ay isang instrumento lamang ng Diyos. Kaya pinangalanan niya itong Opus Dei (Work of God).
Dumating ang Digmaang Sibil sa Espanya at kinailangang magtago ni Escriva upang matakasan ang pagpaparusa ng mga taong laban sa mga pari ngunit nanatili pa rin siyang naglilingkod sa mga Katoliko sa Espanya kahit alam niyang ito ay mapanganib para sa katulad niyang pari. Nang matapos ang Digmaang Sibil noong 1939 bumalik ulit siya sa Madrid at tinapos niya ang kanyang mga pag-aaral bilang Juris Civilis Doctor (Doctor of Civil Law).
Itinatag niya rin ang Priestly Society of the Holy Cross noong Mayo 14, 1943. Natapos rin niya ang Doctorate in Theology mula sa Lateran University sa Roma at dahil dito siya ay itinalaga bilang Tagapayo sa dalawang kongregasyon ng Vatican at naging miyembro ng Pontifical Academy of Theology. Ginawang Domestic Prelate si Escriva ni Papa Pio XII na nagbigay sa kanya ng titulong Monsignor at noong Hunyo 16, 1950 inaprubahan ng Papa ang Opus Dei bilang isang institusyon sa ilalim ng kapangyarihan ng Papa.
Nang dumating ang Second Vatican Council, siya ay kinonsulta ng mga cardinal hinggil sa ilang mahahalagang aspeto ng nasabing konsilyo. Maraming manunulat ng buhay niya ang nagsabing malaki ang naging kontribusyon niya sa Universal Call to Holiness, sa bahagi ng mga layko, at ang kahalagahan ng Misa bilang sentro ng buhay Kristiyano.
Nagkaroon ng mga mapanirang bali-balita noon sa kasagsagan ng paglago ng Opus Dei na ito ay isang panibagong uri ng maling pananampalataya o heresiya at may pagkamalihim sa mga impormasyon na maaaring maihalintulad sa mga Freemason. Sa katunayan sa mga panahon lang na ito naglabas ng mga impormasyon ang Opus Dei tungkol sa kanilang organisasyon. Sa paglabas ng mga mapanirang balita, ipinagtanggol naman siya ni Bishop Leopoldo Ejio y Garay na si Msgr. Escriva ay isang kahahanga-hangang pari at may paggalang at pagsunod sa kanyang obispo.
Si San Josemaria ay isang paring nanindigan na ang Misa ay ang “sentro at ugat ng interyor na buhay Kristiyano,” mga katagang sa paglaon ay ginamit mismo sa Vatican II. Nang dumating ang mga pagbabago sa Misa pagkatapos ng Vatican II, hindi siya nag-alinlangan at tinanggap niya ito ng may buong pagtalima. Si Escriva rin ay isang tagasagawa ng corporal mortification o pagpapahirap sa sariling katawan bilang isang uri ng penitensya. Minsan niyang sinabi na “ang kaligayahan ay naguugat sa krus” at “ang pagdurusa ay bunga ng pag-ibig.”
Malapitin siya sa mga pangkaraniwang tao at higit sa mga kababaihan. Naniniwala si Escriva na ang lahat ng mga nilikha ay pinabanal ng Diyos at lahat ng mga lugar ay maaaring maging tagpuan natin sa pakikipag-usap sa Diyos. Maraming mga karangalan ang nakuha ni Escriva, mga karangalan mula mismo sa monarkiya at pati na rin sa gobyerno sibil at isa rito ang pagbigay sa kanya ng titulong Marquis ng Peralta na ibinigay niya rin sa kapatid niya pagkatapos ng apat na taon. Ayon kay Escriva hindi niya tinatanggap ang lahat ng mga karangalang ito dahil ginusto niya ito at kahit minsan hindi niya pinahalagahan ang mga ito.
Si Escriva ay nakapagsulat rin ng mga libro at ang isa rito ay ang “The Way,” isa sa pinakabinabasang libro niya na naunang inilimbag noong 1937 sa pangalang “Spiritual Considerations”. Sinulat rin niya ang mga spiritual writings tulad ng “Holy Rosary,” “The Stations of the Cross,” at ang kanyang mga homilya.
Binigyan ni Josemaria Escriva ng mataas na pagpapahalaga sa Mahal na Birhen. Simula pagkabata siya ay palaging may dala-dalang rosaryo sa kanyang kamay. At noong siya ay naging pari tinatapos niya ang kanyang homilya sa pamamagitan ng isang dasal sa Mahal na Birhen. Sa katunayan isa sa mga instruksyon niya ang paglalagay sa bawat silid ng mga Opus Dei Center ng imahen ng Birhen.
Dahil sa kanyang pagmamahal kay Birheng Maria, minsan habang tinititigan niya ang isang larawan ng Birhen ng Guadalupe kung saan habang binibigyan nito si Juan Diego ng isang rosas, sinabi niyang “gusto kong mamatay sa ganyang paraan.” At noong ngang Hunyo 26, 1975, sa kanyang opisina sa Roma kung saan may larawan ng Birhen ng Guadalupe, pagkatapos niyang matingnan ito hindi inaasahang bumagsak siya sa sahig at namatay.
Sa kamatayan ni Escriva ang Opus Dei ay may kabuuan nang 60,000 kasapi sa halos 80 bansa ng mundo. Nagsimula ang masusing imbestigasyon para sa kanyang kanonisasyon noong Pebrero 19, 1981 sa Roma. Naging Beato si Josemaria Escriva noong Mayo 17, 1992. At sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng kanyang kapanganakan inihayag siyang Santo noong Oktubre 6, 2002. Ang kapistahan niya ay tuwing Hunyo 26.
MGA ARAL SA BUHAY NIYA
Si San Josemaria Escriva ay isang larawan ng taong tapat sa Diyos. Tumalima siya sa kalooban ng Diyos. Buong pagtalima siyang sumangayon sa Diyos na siya ay gamitin upang maging daan sa pagkakatatag ng Opus Dei. Nasasabi sa Exodus na “Ang pakikipag- usap ni Yahweh kay Moises ay harap-harapan, tulad ng pakikipag-usap sa kaibigan” (33:11). Ayon kay Joseph Cardinal Ratzinger o mas kilala sa ngayon bilang Pope Benedict XVI masasabing si Escriva ay nakipag-usap sa Diyos “tulad ng pakikipag-usap sa kaibigan” at binuksan niya ang kanyang sarili para makapasok ang Diyos na nakapagpagalaw at nakapagpabago ng lahat ng bagay. Kung siya man ay tumutukoy sa pagiging banal, ito ay kanyang ibinatay sa pansarili niyang karanasan na hindi siya ang gumagawa ng mga hindi pangkaraniwang bagay kundi ang Diyos mismo ang gumagawa sa mga ito.
Sa homilya ni John Paul II sa kanonisasyon ni San Josemaria Escriva sinabi niyang “si San Josemaria ay isang dalubhasa sa pagdarasal at itinuring niya ang pagdarasal bilang isang hindi pangakaraniwang sandata upang matubos ang mundo. Ang mga bunga ng lahat ng gawain ay matatagpuan sa pagdarasal at sa masidhi at palagiang buhay sakramental.”
Ipinakita ni San Josemaria Escriva na hindi mahalaga ang mga makamundong bagay. Na ang lahat ng mga karangalan at mga materyal na bagay na maibibigay ng mundo ay walang saysay sa mata ng Diyos. Hindi sa mga bagay na ito maipapakita natin sa Diyos ang ating halaga sa Kanya kundi makikita lamang ang tunay nating halaga sa ating espirituwalidad.
Isa sa mga pinahalagahan ni San Josemaria ay ang pagmamahal sa Banal na Eukaristiya at sa ating Mahal na Birheng Maria. Ipinakita niyang sa Banal na Eukaristiya matatagpuan natin si Kristo at ito ay kinakailangang maging sentro ng ating buhay. Naipakita naman niya ang pagamamahal niya kay Maria sa pamamagitan ng palagiang pakikipag-usap niya sa Mahal na Birhen sa lahat ng gagawin niya.
Sa kanyang mga turo binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga gawain ng tao. Alam niyang ang ating mga gawain ay isang paraan sa ating pakikipagtulungan sa malikhaing paggawa ng Diyos. Ipinakita niya na ang ating mga gawaing pangkaraniwan ay ating magagawang banal kung ito ay ating gagampanan sa pamamagitan ng pagiging tapat sa paggawa ng mga gawaing naiatas sa atin. Ipinakita niya rin na sa pamamagitan ng paggawa kasama ng iba’t ibang tao, maaari natin silang mailapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga magandang ehemplo.
Sabi pa rin ni John Paul II na si San Josemaria ay “may masidhing pagmamahal sa Diyos. Mayroon siyang natatanging katangian upang tawaging Santo, ito ay ang katapatan sa paggawa sa kalooban ng Diyos hanggang sa huli. Ang bawat tao ay binigyan ng Diyos ng misyon sa mundo. Siya mismo hindi niya alam kung ano siya kung tataliwas siya sa kalooban ng Diyos at siya nga ay namuhay upang maabot ang kaloobang ito ng Diyos. Si San Josemaria ay namuhay sa mundo upang ipahayag na maaaring maging Santo ang lahat ng tao at bingyang-diin niya na maaaring matatamo natin ang kabanalan sa pamamagitan ng pagganap sa mga pangakaraniwang gawain natin” Dahil dito tinawag siya ng nasabing Papa bilang “Santo ng mga Pangkaraniwang Gawain.”
Kung inaakala natin na ang mga santo ay mga lumulutang, mga naghihimala, mga may sugat ni Kristo sa kanilang katawan, mga hindi naaagnas na bangkay, at iba-iba pang mga kababalaghang nakikita, hindi ganito ang isang santo. Ang isang santo ay isang ordinaryong tao na ginagawa ang kanyang mga ordinaryong tungkulin para sa ikaluluwalhati ng Diyos at sa kanyang ikababanal anuman ang kanyang estado sa buhay. Iyan ang turo ni San Josemaria, ang Kabanalan ay tunay na makakamtan. Simple lang ang kabanalan ayon kay San Josemaria, tulad ng sinabi ni St. Therese, “Doing your ordinary works extraordinarily with love.”
TAWAGAN MO SIYA
PRAYER TO THE INTERCESSION OF
SAINT JOSEMARIA ESCRIVA
O God, through the mediation of Mary our Mother, you granted your priest St. Josemaría countless graces, choosing him as a most faithful instrument to found Opus Dei, a way of sanctification in daily work and in the fulfillment of the Christian's ordinary duties. Grant that I too may learn to turn all the circumstances and events of my life into occasions of loving You and serving the Church, the Pope and all souls with joy and simplicity, lighting up the pathways of this earth with faith and love. Deign to grant me, through the intercession of St. Josemaría, the favor of ... (make your request). Amen.
One Our Father, Hail Mary, and Glory be to the Father.
References:
http://www.josemariaescriva.info, http://en.wikipedia.org, http://www.escrivaworks.org, http://www.opusdei.usUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6826615397744698819.post-81314723717325741452008-06-11T06:06:00.000-07:002019-10-06T13:47:29.646-07:00Beato Ivan Merz
Santo Para Sa Mga Mag-aaral
KILALANIN NATIN SIYA
Si Ivan Merz ay ipinanganak sa Banja Luka, Bosnia, noong Disyembre 16, 1896, at nabinyagan noong Pebrero 2, 1897. Siya ay pumasok ng elementarya at mataas na paaralan sa Banja Luka. At pagkatapos ang isang maikling panahon ng pag-aaral sa akademiyang pangmilitar ng Wiener Noustadt, pumasok siya sa University of Vienna noong 1915. Pinapangarap niya ang magtuturo sa mga kabataan sa Bosnia. Kaya sumunod siya sa mga halimbawa ng kanyang propesor, Ljubomir Marakovic, na siyang tumulong kay Ivan upang matuklasan ang mga kalinangan at kaunlaran ng pananampalatayang Katoliko.
Noong Marso 1916, napasama siya hukbong military at napasama sa sa mga humarap sa mga Italyano, kung saan ginugol niya ang mas malaking bahagi ng dalawang taon simula noong 1917. Ang karanasan sa digmaan ang siyang naging daan para kay Ivan upang magkaroon ng malaking pagbabago at paglago sa kanyang ispiritwalidad. Ito rin ang nagbigay daan sa kanya upang magpasya na magtiwala sa Diyos para sa hinaharap niya at ibigay ang makakaya upang makamtan ang pagiging isang tunay na Kristyano.
Noong Pebrero 5, 1918, sinulat niya sa kanyang talaarawan: "Huwag kalimutan ang Diyos! Laging naisin na maging kaisa sa Kanya. Simulan ang bawat araw ng pagninilay-nilay at panalangin, kung maaari sa harap ng Banal Sakramento o sa misa. Sa oras na ito, pinagpapasyahan ang mga gagawin sa araw-araw, pagninilay sa mga kasalanan natin at paghingi ng tulong sa Diyos na nawa’y bigyan Niya tayo ng lakas upang maharap ang ating mga kahinaan. Ito ay isang bagay na kahila-hilakbot kung ang digmaang ito ay walang kahulugan para sa akin! Ako ay dapat magsimula ng isang buhay ng pagbabago mismo sa panibagong pag-unawa sa Katolisismo. Ang Panginoon lamang ang maaaring makatulong sa akin, sapagkat walang magagawa ang tao sa pamamagitan ng sarili niya lamang.” Sa pagkakataong ito, isinumpa rin ni Ivan ang pamumuhay ng panghabangbuhay na kadalisayan.
Pagkatapos ng digmaan, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Vienna (1919-20), at pagkatapos ay sa Paris (1920-22). Noong 1923 kumuha siya ng digri sa pilosopiya. Ang kanyang thesis ay pinamagatang "Ang Impluwensiya ng Liturhiya sa Manunulat na Pranses” (The Influence of the Liturgy to the French Authors). Siya ay naging isang propesor ng wika at panitikang Pranses at naging kapuri-puri sa dedikasyon sa mga mag-aaral at sa kanyang tungkulin bilang isang guro.
Sa kanyang mga bakanteng oras, nag-aaral siya ng pilosopiya at teolohiya upang mapalalim pa ang kanyang kaalaman sa mga dokumento ng Magisterium (Katuruan) ng Iglesia.
Kilala si Ivan sa kanyang mga interes sa mga kabataan at sa kanilang paglago sa pananampalataya at kabanalan. Siya ang nagsimula sa "League of Young Croatian Catholics" at sa "Croatian League of Eagles" bilang bahagi ng Croatian Catholic Action Movement. Ang motto nila ay: "Pagpapakasakit, Eukaristiya, Apostolado".
Para kay Ivan, ang organisasyong ito ay para sa pagbuo ng isang grupo na ang layunin ay ang paglago sa pananampalataya at kabanalan. Ang isa sa mga saklaw ng mga layuning ito ang pagpapanibagong pang-Liturhiya, kung saan si Ivan ang isa sa mga naunang na nagsulong sa Croatia.
Bilang isang Katolikong intelektwal, nagabayan ni Ivan ang mga kabataan at mga may-edad patungo kay Kristo at sa Kanyang Iglesia sa pamamagitan ng kanyang mga sulatin at mga pagtitipon. Hinangad rin niya na maituro sa kanila ang pagmamahal at buong pusong pagsunod sa Santo Papa at sa Simbahang Katolika.
Sa harap ng anumang hindi pagkakaunawaan at pahihirap, nagpakita si Ivan ng kahanga-hangang pasensya at pagiging kalmado, mga bunga ng kanyang patuloy na pakikiisa sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Inilarawan siya ng mga taong nakakakilala sa kanya bilang isang taong iniaalay ang kanyang “puso at isipan sa Diyos.” Kumbinsido siya na ang pinakamabisang paraan upang iligtas ang mga kaluluwa ay sa pamamagitan ng paghihirap. Inialay niya sa Diyos ang lahat ng kanyang paghihirap sa pisikal at moral na lebel, lalo na para sa pagtatagumpay ng kanyang apostolikong gawain.
Ilang sandali bago ang kanyang kamatayan, inialay niya ang kanyang buhay para sa mga kabataan ng Croatia. Sa maikling salita, naniniwala si Ivan na ang kanyang tunay na bokasyon lamang ay "ang pananampalatayang Katoliko".
Namatay si Ivan Merz noong 10 Mayo 1928 sa Zagreb. Siya ay 32 taong gulang lamang. Nagsimula ang proseso ng beatipikasyon at kanonisasyon niya noong 1958. Naging beato siya noong Hunyo 22, 2003 sa Banja Luka, Croatia sa pamamagitan ni Papa Juan Pablo II. At noong 2008 sa pamamagitan ng Postulator ng kanonisasyon, hinirang si Dave Ceasar Dela Cruz, ang Direktor ng CCS, bilang Vice-Postulator para sa Pilipinas. Nagsisilbing tanggapan ang CCS para sa Vice-Postulation ng Pilipinas.
Bilang pagpupugay ng CCS sa kanyang patron, itinatag kamakailan ang Blessed Ivan Merz Scholarship Program kung saan tinutulungan ng CCS sa pamamagitan ng mga mabubuting tagasuporta ang ilang mga kabataan upang makapagpatuloy sa pag-aaral.
MGA ARAL SA BUHAY NIYA
• Pagpapahalaga sa Edukasyon
Isang napakahalagang bahagi ng buhay ng isang tao ang edukasyon sapagkat ang edukasyon ang isa sa kanyang mga sandata para sa buhay. Pinahalagahan ni Ivan ang edukasyon. Isang kakaibang kabanalan ang pagpapahalaga sa mga bagay na makakapagpaunlad sa ating sarili. Higit kailanman ang Diyos mismo gusto tayong umunlad mula sa ating mga sarili.
Ang pagpapahalaga sa edukasyon ay isang kabanalan para sa isang mag-aaral sapagkat ito ay pagbibigay ng tugon at pagtupad sa mga tungkuling sa kanya ay ibinigay. Napakapayak na kabanalan ang pagtupad sa mga tungkulin. Ito ang isang paghimok sa atin ng Simbahan, ang paggawa ng buong puso ang mga pangkaraniwang mga gawain sa ating buhay. Ang kabanalan ay hindi nagagawa lamang sa pamamagitan ng mga kamangha-manghang mga gawain, higit dito ang pagganap sa mga pinakapayak na Gawain at tungkulin bilang isang mabuting tao, bilang isang mabuting mag-aaral, bilang isang mabuting Kristiyano.
• Pagbatid na ang Bokasyon niya ay ang pagiging Katoliko
Ang lahat ng tao ay tinatawag ng Diyos sa isang bokasyon. Isa sa mga pagtawag niya ay ang tayo ay maging banal. Ang pagbatid na ang bokasyon ng isang tao ay para maging Katoliko ay isang hindi pangkaraniwang bagay. Karamihan sa atin naipamulat o pinili lamang ang maging isang Katoliko.
Kung minsan dahil ito na ang nakamulatan napipilitan na lang ang iba at ang iba naman mas pinipili na maging Katoliko dahilan sa pagiging bias. Pero ang mabatid na ang bokasyon mo ay ang maging isang Katoliko ay higit sa mga ito. Diyos mismo ang tumawag sa kanya para maging Katoliko. Ganito rin ang hinihiling niya sa atin, ang maging tapat sa Simbahan Niya dahil ito ang Kanyan katawang Mystiko. Ano ang pagtawag ng Diyos sa atin?
• Pagtutuon ng pansin sa pakikipagkaisa sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin
Ang panalangin pa rin ang pinakamabisang paraan upang tayo ay makipag-usap sa Diyos. Ito ang pamamaraang Kanyang ibinigay sa atin upang makipag-ugnayan tayo sa Kanya.
Ngunit sa panahon ngayon, mukhang ang pagdarasal ay nalilimutan nang pahalagahan ng mga tao. Iyan na rin siguro ang dahilan kaya hindi na rin marinig pa ng tao an gang pagtawag Niya sa atin.
Pero isang halimbawa si Ivan sa pagdarasal. Ang pagdarasal sa kanya ay hindi lamang isang pakikipag-usap sa Diyos kundi isang paraan upang makipagkaisang loob sa Diyos. Napakagandang gawain ng palaging pagdarasal bago gawin ang isang gawain. Pero ang pinakamaganda sa lahat ay ang pagiging isang buhay na dasal. Dito tayo magiging isang tunay na kaisa ng Diyos.
• Pagpapatunay na ang Kabataan ay may mahalagang papel sa Simbahan
Isang napakasamang impresyon para sa mga kabataan na sila ay walang magagawang iba sa simbahan kundi ang pagkanta sa choir o kaya naman ay maging sakristan lamang ng pari. Hindi ganito ang pagtingin ni Ivan sa mga kabataan, naniniwala siya na ang kabataan ay dapat mahubog sa ating pananampalataya sapagkat sila ang kinabukasan ng ating Simbahan.
Sila din ay hindi lamang para sa choir o kaya mga sakristan. Tulad ng bawat matatandang nagsisilbi sa Simbahan sapagkat ang mga kabataan rin ang daan upang mahikayat ang kanilang kapwa kabataan upang makinig sa katuruan ng Simbahan. Sila rin ay may ginagampanang mahalagang papel sa ebanghelisasyon ng mundo.
• Ang Kabanalan ay para sa lahat
Ang kabanalan ay para sa lahat hindi lamang sa mga taong Simbahan kundi para sa lahat ng tao. Bagama’t karamihan sa mga nagiging Santo ngayon ay mga relihiyoso o pari, sa pagpapakita ni Ivan napatunayang ang layko rin ay maaaring maging Santo sa pamamagitan ng pagganap ng mabuti sa lahat ng mga gawain tayo ay maaaring maging isa sa mga Banal sa Langit.
Ito ang tawag sa atin ng Diyos ang maging banal.
PANALANGIN
Diyos naming Ama, si Beato Ivan ay naging tapat sa kanyang mga pangako sa Sakramento ng Binyag, sa pagtugon sa tawag ng kabanalan, at sa pagtulong upang palaguin ang pananampalataya at paghikayat ng totoong Kristiyanong pamamaraan ng pamumuhay ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng kanyang mga kabutihang nagawa at kabanalan, dinggin mo ang aming pagsamo upang kami’y maging mga tapat mong mga lingkod na naghahayag ng Mabuting Balita at nagsasabuhay nito. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.
Para sa mga kahilingang natupad sa pamamagitan ni Beato Ivan Merz, mangyaring ipadala lamang sa:
Philippine Vice Postulation of Blessed Ivan Merz-
Confraternity of Catholic Saints
P.O. Box# 247 Araneta Center, Cubao, Quezon City, 1135 Philippines
E-mail: ccsphilippines@gmail.com
Reference:
ivanmerz.hr, vatican.va Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6826615397744698819.post-81357583263837997892008-06-01T04:47:00.000-07:002019-10-06T13:47:56.596-07:00Si San Hannibal Maria Di Francia
KILALANIN NATIN SI SAN HANNIBAL MARIA DI FRANCIA
Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng anihan na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang anihan. (Mateo 9:38)
Ito ang talata ng Bibliya na tinatawag na “Rogate.” At ito ang talata sa Bibliya na sandigan ni San Hannibal Maria Di Francia sa kanyang paniniwalang ang mga bokasyon sa Simbahan ay hinihingi mismo mula sa Panginoon.
Si Hannibal ay ipinanganak sa isang aristokratang pamilya sa Messina, Italya noong Hulyo 5, 1851. Ang ama niyang si Francisco ay isang kabalyero, Papal Vice-Consul at Honorary Captain ng hukbong-dagat at ang kanyang ina naman na si Anna Toscano ay isa ring aristokrata. Si Hannibal ang pangatlo sa apat na magkakapatid. Namatay ang kanyang mahal na ama noong siya ay labing limang buwang gulang pa lamang.
Pumasok siya sa Kolehiyo ng San Nicolas ng mga paring Cisterian. Sa tulong ng kanyang Spiritual Director natuto siyang mamuhay bilang isang deboto. Isa sa kanyang debosyon ang Eukaristiya at dahil sa kanyang masidhing debosyon dito siya ay pinayagang tanggapin ang komunyon araw-araw, isang hindi pangkaraniwang bagay sa mga panahong iyon.
Sa gulang na labing-pito, habang siya ay nasa isang mataimtim na pagdarasal sa harap ng Banal na Sakramento, natanggap niya ang “rebelasyon ng Rogate.” Napagtanto niya na ang mga bokasyon sa Simbahan ay matatanggap lang natin sa pamamagitan ng pagdarasal para sa mga ito. At kanyang nalaman na ang rebelasyong ito ay matatagpuan mismo sa Bibliya (Mt. 9:38, Lk. 10:2) na siyang magiging sandigan ng kanyang buong buhay.
Isang magaling na mag-aaral si Hannibal ngunit noong maramdaman niya mismo na siya ay may bokasyon ibinigay niya ang kanyang sarili para mapagsilbihan ang Diyos. Bago siya maordinahan noong Marso 16, 1978 nakilala niya ang isang pulubing si Francesco Zancone na nagbigay daan upang malaman niya ang tungkol sa Case Avignon, isang maliit na pamayanan ng mga pinakamahihirap sa Messina. Ito ang umpisa ng kanyang masidhing pagmamahal sa mga mahihirap at mga ulila.
Sa tulong at pahintulot ng kanyang obispo, namuhay siya sa piling ng mga tao sa Case Avignon. Itinuring niya ito bilang isang pamayanan ng mga tupang walang pastol. Noong 1882, sinimulan ni Hannibal ang kanyang mga bahay-ampunan na tinawag niyang “Anthonian Orphanages” dahil inilagay niya si San Antonio de Padua bilang patron ng mga ampunan na ito. Ginusto niyang makipag-ugnayan sa lahat ng mga mahihirap at mga ulila sa buong mundo at ang kasagutang nakita niya ay ang “Rogate.” Nakita niyang ang “Rogate” ay hindi lamang isang rekomendasyon ni Kristo ngunit isang kautusan at dagliang solusyon sa lahat. Si Hannibal ang isa sa mga pinakaunang naglahad na ang mga simpleng gawain ng mga dedikadong laiko, tulad ng mga guro, mga magulang at iba pa, ay isang bokasyon.
Para mas maipagpatuloy niya ang kanyang mga gawain sa Simbahan, itinatag niya ang dalawang kongregasyon. Una niyang itinatag ang “Daughters of Divine Zeal” noong 1887 at ang mga “Rogationist Fathers” pagkalipas ng sampung taon. At sa mga kongregasyong gusto niyang isabuhay nila ang “Rogate” bilang ikaapat na “religious vow.”
Ang dalawang kongregasyon niya at ang mga Anthonian Orphanages ay naging mga institusyon ng panalangin para sa mga bokasyon lalo na sa pagpapari at pagmamadre. Nananalangin sa Diyos para sa walang hanggang pagbibigay Niya ng mga bokasyon sa Simbahan.
Itinatag niya rin ang “Holy Alliance,” isang samahang nagdarasal para sa mga bokasyon na para sa mga kleriko at ang “Pious Union of the Evangelical Rogation,” na para naman sa lahat. Ipinalabas rin niya ang peryodikong “God and Neighbor,” na naglalayong maibahagi sa lahat ang kanyang mga kaisipan.
Namatay si Hannibal noong Hunyo 1, 1927 sa Messina. At sa mga panahong iyon, noong nabubuhay pa lamang siya, itinuturing na siyang isang Santo. Kaya nang mamatay siya sinabi ng mga tao na “Ating puntahan ang natutulog na Santo.” Nakalagak ang kanyang mga labi sa Simbahan ng “Evangelical Rogation,” na kanyang ipinatayo at kung saan niya ninais na mailibing.
Nagsimula ang Cause ng kanyang Canonization sa Messina noong March 8, 1980. At noong Mayo 10, 2004 sa pamamagitan ni Servant of God, Pope John Paul II ipinahayag na siya ay isa ngang ganap na Santo.
Ang kanyang kaisipang “Rogate” ang siyang naging dahilan ng pagpapasinaya ni Pope Paul VI noong 1964 ng pinakaunang “World Day of Prayer for Vocations.” Ang kanyang mga kongregasyong itinatag noon ay kasalukuyang nasa lahat ng kontinente. Namumuhay sila sa pagdarasal para sa mga bokasyon sa pamamagitan ng mga vocation centers, mga printing houses, mga bahay ampunan, mga paaralan para sa mga pipi’t bingi, mga home for the aged at sa mga single mothers, at pati rin ang pagpapatakbo ng mga paaralang propesyonal at bokasyonal.
MGA ARAL SA BUHAY NI SAN HANNIBAL
Si San Hannibal ay isang natatangi at huwarang halimbawa ng pagiging isang masunuring tagapaglingkod ng Panginoon. Ipinakita niya ang katangian ng pagiging bukas palad sa Diyos. Tinanggap niya ang pagtawag sa kanya na gamitin ang kanyang katalinuhan upang pagsilbihan si Kristo. At sa kanyang pagiging pari, matagumpay niyang nagampanan ang tawag sa kanya na maging tagatipon ng mga kaluluwang naliligaw sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga ulila at mga mahihirap.
Pinatunayan ng kuwento ng buhay niya ang kahalagahan at kapangyarihan ng taimtim na na pagdarasal. Napatunayan niya na sa taimtim na pagdarasal makukuha natin ang mga kasagutang gusto nating malaman mula sa Diyos at tanging ditto lamang natin makakausap nang lubusan ang Diyos.
Sa kabuuan ng buhay ni San Hannibal, umikot ito sa mga bokasyon. Sa pamamagitan ng rebelasyon ng Rogate, ipinaparating na ang bokasyon ay mahalaga. Mahalaga hindi lamang para sa Simbahan ngunit pati na rin sa indibidwal na tao. Sadyang napakahalaga nito sa Simbahan dahil ang Simbahan, tayong mga kasapi ng Katawan ni Kristo, ay nangangailangan ng mga taong magpapastol sa mga nilalang ng Diyos patungo sa Kanya. At isa itong pagtawag para ipagdasal ang mga bokasyon sa Simbahan.
Sa paglalahad naman niya sa bokasyon ng bawat indibidwal, ipinaparating sa bawat tao na anumang propesyong kanyang piliin ay isang bokasyon. Ipinapakita na kahit ang mga sekular na gawain ay maituturing na bokasyon basta ito ay ating ginagampanan nang buong puso at buong katapatan. Sapagkat ang mga propesyong sekular ay kinakailangan din ng lipunan, ng Simbahan mismo. At tinatawag ang bawat indibidwal na ipagdasal ang kanyang bokasyon.
Mahalaga ang pakikinig hindi lamang sa mga sinasabi ng mga magulang kundi sa mga sinasabi sa atin din ng Diyos. Ang bokasyon ay isang imbitasyon na dapat nating pakinggan, ipagdasal at higit sa lahat tugunan. Iyan ang itinuturo sa atin ni San Hannibal. Ang bokasyon ay hindi lamang nakatuon sa pagpapari o pagmamadre kundi pati rin sa pag-aasawa at ang pagiging nag-iisa sa buhay. Alinman ang iyong piliing bokasyon, isa lang ang patutunguhan, ito ay ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
San Hannibal, turuan mo kaming makinig, manalangin at tumugon sa aming bokasyon na mahalin ang Diyos at aming kapwa. Amen.
TAWAGAN MO SIYA
PRAYER TO THE INTERCESSION OF
ST. HANNIBAL MARIA DI FRANCIA
Divine Heart of Jesus,
You chose St. Hannibal Maria Di Francia
to be an apostle of prayer for vocations and
endowed him with immense charity that
made him father of the poor and the orphaned,
I beg You to grant me through his intercession
this grace that I am so much in need of
(state here your petition)
For your greater glory and the
salvation of my soul. Amen.
(Mark Rodney P. Vertido and Fra. Dave Ceasar de la Cruz)
Resources: http://en.wikipedia.org/, http://www.vatican.va/,
Daughters of Divine Zeal, Our Lady of Divine Zeal Delegation (2006).
Prayer to the intercession of St. Hannibal Maria Di Francia. Diyos at Kapwa, vol. 1, p. 8.Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6826615397744698819.post-31870760116854835732008-05-06T06:40:00.001-07:002019-10-06T13:48:27.816-07:00Santa Rita ng Cascia
KILALANIN NATIN SI SANTA RITA DE CASCIA
Si Santa Rita de Cascia ang santang kinikilalang patrona ng mga imposibleng bagay. Siya rin ay kinikilala ngayon bilang pintakasing patron ng larong baseball.
Noong ika-14 siglo sa bayan ng Roccaporena malapit sa Cascia sa Diyosesis ng Spoleto, Italya namuhay ang isang iginagalang na mag-asawa. Sila ay may edad na ngunit hindi pa rin nagkakaanak. Kaya panay ang dasal nila sa Diyos upang magkaroon ng isang supling. At noong 1381 biniyayaan nga sila ng isang anak na pinangalanan nilang Rita. Ang pangalang ito ay mula sa pinaikling “Margherita,” isang Italyanong pangalan na katumbas ng “Margaret” sa wikang Ingles.
Pinalaking mabuti ng mag-asawa si Rita. Nang tumuntong na siya sa edad na 15, sinasabing inihayag niya sa kanyang mga magulang ang kanyang pagnanais na pumasok sa kumbento. Tinutulan ito ng kanyang mga magulang kahit ilang beses pa siyang nakiusap sa kanila. Ipinagkasundo siya sa isang mayamang lalake, si Paolo Mancini.
Ikinasal si Rita sa edad na 18 taong gulang. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Sang-ayon sa ilan, ang lalaking napangasawa ni Rita ay naging abusado, hindi tapat, at mainitin ang ulo. Tiniis niya lahat ng mga ito sa loob ng labing walong taon. Sa panahong iyon nakita rin niya kung papaano lumaki ang kanyang mga anak na katulad ng kanilang ama.
Ngunit dahil sa pagiging madasalin, maalalahanin, mabuti, at matiisin ni Rita, naibalik niyang muli ang ugali ng kaniyang asawa sa dati. Si Paolo ay nagbalik-loob sa Simbahan at naging mapagmahal sa asawa. Ngunit isang trahedya ang kaagad na sumalubong sa pamilya. Isang gabi pinagsasaksak si Paolo hanggang sa siya’y mamatay.
Inalagaan nang mabuti ni Rita ang kanilang dalawang anak hanggang sa lumaki ang mga ito at nalaman ang katotohanan sa pagpatay sa kanilang ama. Sinubok ng dalawa na mahiganti ngunit pinigilan sila ni Rita. May mga nagsasabing hiniling ni Rita, sa kanyang panalangin, na mabuti pang kunin na lamang ng Diyos ang buhay ng kanyang dalawang anak kaysa sila ay magiging mamamatay-tao. Nang mga panahong iyon, parehong nagkasakit ang kanyang mga anak (sang-ayon sa ilan, nagkaroon ng salot sa lugar nila Rita). Hinimok niya silang patawarin ang mga salarin sa pagkamatay ng kanilang ama. Pumanaw ang magkapatid na parehong nagpatawad.
Dahil nawala na ang kanyang asawa’t mga anak, itinuloy niya ang kanyang pagnanais na makapasok sa kumbento. Gusto niyang pumasok sa kumbento ni Santa Maria Magdalena sa Cascia ngunit hindi siya pinagbigyan ng mga madre doon dahil sa ilang pamantayan ng kumbento na kanilang sinusunod. Una si Rita ay balo at pangalawa dahil nagkaroon siya ng asawa’t mga anak siya ay hindi na birhen at isa sa pinangangalagaang pamantayan ng kumbento ang pagiging birhen ng mga kasapi nito. Isa ring posibilidad ay ang pagkakaroon ng mga madreng kamag-anak ng mga pumaslang sa kanyang asawa na maaaring makaapekto sa ugnayan ng kumbento.
Ngunit dahil sa ipinakita niyang katiyagaan sa pagnanais na makapasok nang tuluyan sa kumbento, pinagbigyan siya ng mga madre sa kondisyong dapat niyang mapagbati ang kanyang pamilya at ang pamilya ng pumatay sa kanyang asawa. Nagawa niya ito at siya ay tinanggap sa kumbento nang siya ay 36 taong gulang na.
Mayroon din isang kuwento na nagsasabing misteryosong nakapasok siya sa kumbento isang gabi kahit nakasara ang mga pintuan nito. Sinasabing dinadala siya doon ng kanyang mga patrong sina San Juan Bautista, San Agustin, at San Nicolas de Tolentino. Kinaumagahan natatagpuan na lang si Rita sa loob ng kumbento at pati siya ay hindi alam kung paano ito nangyari.
Habang nandoon siya ipinakita niya ang pagiging masunurin at pagmamahal sa lahat ng kanyang gawain. Naging napakadeboto niya kay Kristong nakapako sa krus. At sinasabing sa isa sa kanyang mga mataimtim na pananalangin, ipinagdasal niya na hayaan siyang makihati sa mga pagdurusang naranasan ni Jesus habang nasa krus. Isang tinik mula sa koronang tinik ng Panginoon ang tumusok sa noo niya na nagsanhi ng isang sugat na hindi na gumaling hanggang sa siya ay namatay. Dahil sa sugat na ito lumayo siya pansamantala sa karamihan ng mga madre dahil sa katotohanang ito ay umaalingasaw ng mabahong amoy.
Isang kaibigan mula sa bayang sinilangan niya ang dumalaw sa kanya upang tanungin kung may huling hiling siya. Sinabi niya na gusto niya ng isang rosas mula sa lumang bahay nila. Bagama’t nag-agam-agam ang kaibigan niya dahil tag-lamig noong panahong iyon at wala pang rosas nagbakasakali pa rin siya at nakakita nga siya ng nag-iisang namumulaklak na rosas mula sa hardin nila Rita. Dahil dito sinasabing si Rita ay patron ng mga imposibleng bagay.
Namatay si Rita sa edad na 76 noong Mayo 22, 1457 sa piling ng kanyang mga kapwa-madre. Sa dapit-hapon ng kanyang buhay si Rita ay nanatiling tapat sa buhay Agustino. Si Rita ay itinaas bilang isang Beata noong 1627 sa pamamagitan ni Papa Urban VIII at noong taong 1900 siya ay ginawang Santa ni Papa Leo XIII. Ang kapistahan ni Santa Rita ay tuwing Mayo 22.
MGA ARAL SA BUHAY NIYA
Kay Santa Rita makikita ang isang buhay na puno ng patuloy na pagtitiis sa iba’t ibang mga suliranin ng buhay. Sa pagtitiis ng 18 taon sa kanyang asawang nang-abuso sa kanya, ng pagkawala ng asawa’t mga anak, at sa sugat na ibinigay sa kanya ni Jesus, ipinakita niyang makakayanan ang lahat ng pagsubok.
Ipinakita rin niya na ang pagiging matiyaga ay makakagawa ng mga bagay na sa unang tingin ay imposible. Hindi man siya pinakinggan ng kanyang mga magulang nang ipahayag niya na nais niyang pumasok sa kumbento, naghintay lamang siya. At nang may pagkakataon na siya, naging determinado siya sa kanyang pagsapi at pagkatanggap bilang isang madre. Ganito din tayo dapat sa pagdarasal: matiyaga at palagian bunsod ng matibay na pag-asa sa Diyos. Kapag matiyaga at palagi tayong nagdarasal pasasaan ba’t ibibigay din ng Diyos ang ating mga hinihiling sa Kanya?
Kahit anong paghihirap ang maaari nating maranasan sa araw-araw sa pamilya, sa pamayanan at sa bayan, kumapit lamang tayo sa Diyos. Huwag nating isipin ang mga paghihirap na ito’y nagpapabigat sa atin, huwag tayong maging pala-angal, bagkus gawin natin itong mga pag-aalay sa kaluwalhatian ni Jesus.
TAWAGAN MO SIYA
PRAYER TO SAINT RITA
O Holy Patroness of those in need, St. Rita, whose pleadings before your Divine Lord are almost irresistible, who for your lavishness in granting favors hast been called the Advocate of the Hopeless and even of the Impossible; St. Rita, so humble, so pure, so mortified, so patient and of such compassionate love for your Crucified Jesus that you could obtain from Him whatsoever you ask, on account of which all confidently have recourse to you expecting, if not always relief, at least comfort; be propitious to our petition, showing your power with God on behalf of your suppliant; be lavish to us, as you have been in so many wonderful cases, for the greater glory of God, for the spreading of your own devotion, and for the consolation of those who trust in you.
We promise, if our petition is granted, to glorify you by making know your favor, to bless and sing your praises forever. Relying then upon your merits and power before the Sacred Heart of Jesus, we pray you grant that [here mention your request].
By the singular merits of your childhood, obtain for us our request.
By your perfect union with the Divine Will, obtain for us our request.
By your heroic sufferings during your married life, obtain for us our request.
By the consolation you experienced at the conversion of your husband, obtain for us our request.
By the sacrifice of your children rather than see them grievously offend God, obtain for us our request.
By your miraculous entrance into the convent, obtain for us our request.
By your severe penances and thrice daily bloody scourgings, obtain for us our request.
By the suffering caused by the wound you received from the thorn of your Crucified Savior, obtain for us our request.
By the Divine love which consumed your heart, obtain for us our request.
By that remarkable devotion to the Blessed Sacrament,
on which alone you existed for four years, obtain for us our request.
By the happiness with which parted from your trials to join your Divine Spouse, obtain for us our request.
By the perfect example gave to people of every state of life, obtain for us our request.
Pray for us, O holy St. Rita, that we may be made worthy of the promises of Christ.
LET US PRAY.
O God, Who in Your infinite tenderness has vouchsafed to regard the prayer of Your servant, Blessed Rita, and granted to her supplication that which is impossible to human foresight, skill and efforts, in reward of her compassionate love and firm reliance on Your promise, have pity on our adversity and succor us in our calamities, that the unbeliever may know You are the recompense of the humble, the defense of the helpless, and the strength of those who trust in You, through Jesus Christ, Our Lord. Amen.
(Mark Rodney P. Vertido)
Resources: http://www.catholictradition.org, http://www.stritachurch.org, http://www.catholic.org, http://en.wikipedia.orgUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-6826615397744698819.post-19748517429689542002008-04-03T06:36:00.000-07:002019-10-06T13:48:57.169-07:00Beato Pedro CalungsodTaus-puso naming inihahandog ang unang isyung ito kay Beato Pedro Calungsod, ang nag-iisang beatong Pilipino sa kasalukuyan, bilang paggunita sa kanyang ika-336 anibersaryo ng kamatayan noong Abril 2.
KILALANIN NATIN SIYA
Maliit lamang ang kaalaman tungkol sa buhay ni Pedro at sa katunayan hindi pa rin matukoy ang tunay na pinagmulan niya - maaaring Cebu, Bohol, o Iloilo. Lumabas lamang ang alaala ni Pedro noong Oktubre 6, 1985 nang itanghal na Beato si Padre Diego Luis de San Vitores, isang paring Heswita na naging pinuno ni Pedro noon.
Batay sa mga kasulatan, si Pedro ay nag-aral sa Loboc, Bohol kasama ang iba pang kabataan ng Katekismo, Espanyol, at Latin sa pamamahala ng mga Heswita. Karaniwang nagiging mga sakristan o katekista ang mga tulad nila sa mga bayan-bayan kasama ang mga paring Heswita. Ngunit iba ang kapalaran nina Pedro at 16 pang kabataan sapagkat sila ay naatasang sumama sa isang ekspedisyon sa Islas de los Ladrones, na tinawag ring Marianas (Guam sa ngayon), sa ilalim ni Padre Diego Luis de San Vitores noong Hunyo 18, 1668. Ang Guam noon ay sakop ng Diyosesis ng Cebu.
Sa una, tagumpay ang misyon dahil nagawa nilang binyagan ang higit 13,000 katutubo at nakapagpatayo pa ng isang simbahang ipinangalan kay San Ignacio de Loyola. Ngunit hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mga suliranin.
Isa na rito ang paninira ni Choco, isang Intsik, laban sa mga misyonero na sinabing may lason ang tubig na ginagamit sa pambibinyag at pati rin ang alak na ginagamit sa Misa at dahil dito nalito ang mga katutubo. Isa rin ang paghihimagsik ni Hurao na nagpahina sa misyon. Ngunit naayos rin ang mga gusot.
Ngunit noong Abril 2, 1672, isinama ni Padre Diego si Pedro, bilang pinagkakatiwalaan niya at pinakamagaling na sakristan, upang binyagan ang mga bagong silang na sanggol sa Agadna. Ngunit sa daan nakaalitan nila si Matapang, isang katutubong naimpluwensiyahan ng mga Macanjas (mga mangkukulam) na kumokontra sa mga Kristiyano. Kapapanganak lamang ng asawa niya at inalok siyang binyagan ang anak nila ngunit tumanggi ito at itinaboy ang pari’t sakristan. Pinalipas na lang muna nina Padre Diego ang galit niya.
Subalit hindi si Matapang. Gumawa siya ng plano upang mapatay ang dalawa. Hinikayat niya si Hirao, na noong una ay tumanggi dahil sa kabaitang ipinakita ng pari sa kanya, ngunit sa huli ay umayon din kay Matapang.
Dumating sina Matapang sa lugar nina Pedro at bigla silang inatake. Umilag si Pedro sa mga panang papalapit sa kanya. Sinubukan ni Pedro na lumapit sa pari upang maprotektahan ngunit isang pana ang tumusok sa dibdib niya. Hindi na nagawang protektahan ng pari si Pedro. Biniyak ng dalawang katutubo ang mga bungo ng dalawa at itinapon lamang sila sa dagat.
Umabot sa Maynila ang madugong balita noong Mayo 3, 1672. Simula noong dekada 80 inumpisahan sa Archdiocese of Cebu ang pag-aaral sa kaso ni Pedro. Sa katunayan sa panahong ito dumami ang mga sumusulat tungkol sa buhay niya. Ngunit sa pamamagitan ng Archdiocese of Manila naisulong ang kanyang Cause. At noong taong 2000, ang taon ng Dakilang Jubileo sa pagpapala ng Panginoon itinaas ni John Paul II sa pagiging beato si Pedro Calungsod kasama ang iba pa mula sa iba’t ibang sulok ng mundo.
MGA ARAL SA BUHAY NIYA
Si Pedro ay sumama sa misyon sa gulang na 14 taon lamang at ibinuwis niya ang kanyang buhay sa gulang na 18 taon. Hindi lamang siya isang bayani ngunit isang martir dahil mas pinili niyang mamatay sa tabi ng kanyang pinunong pari kaysa talikuran ito. Sa mga kuwento ng kanyang buhay hindi nabanggit ang pagkakaroon niya ng mga kahinaan. Naging pundasyon ng kanyang kabutihan ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Isinabuhay niya ang pagiging tapat, masipag, masikap, at higit sa lahat matatag sa kanyang pananampalataya.
“…Inialay niya ang kanyang kabataan sa paglilingkod sa Diyos…iniwan niya ang kanyang pamilya upang tanggapin ang pagsubok sa kanya ni Padre Diego…Tinanggap naman niya ito nang buong tapang…at sa harap ng kamatayan hindi niya tinalikuran si Padre Diego…na nagpapakita lamang na siya ay isang ‘mabuting sundalo ni Kristo’…Minahal niya ang Diyos at kahit sa kaunting panahon nakamit niya ang perpeksyon ng buhay at naging makabuluhan ang buhay niya dahil nagamit niya ito sa mabuting paraan,” mga pangungusap ni John Paul II noong Beatification Ceremony ni Pedro sa Vatican.
Payak lamang ang pamumuhay ni Pedro. Namuhay siya tulad ng isang pangkaraniwang kabataan. Ngunit dahil sa pagiging tapat at masunurin sa kanyang tungkulin naipakita niya ang kanyang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa na siyang nagdala sa kanya sa daan patungong kabanalan.
TAWAGAN MO SIYA
Prayer to Blessed Pedro Calungsod
Almighty God, by whose gift Blessed Pedro the Martyr witnessed to the Gospel, even to the shedding of this blood: grant, by his example and intercession, that we too may live for you, boldly, steadfastly, confessing your name through our Lord, Jesus Christ, your Son, who lives and reigns with you and the Holy Spirit, one God, forever and ever. Amen.
(Mark Rodney P. Vertido)
Resources: www.wikipedia.org,www.geocities.com/frogbites/pedrocalungsod.html,
www.fya.org/spirituality/pedrocalungsod.htmUnknownnoreply@blogger.com0