Powered by Blogger.

Thursday, 9 July 2009

Mother Rosario Arroyo



Pilipinang Debota ng Santo Rosario



KILALANIN NATIN SIYA
ANLUWAGE.COM
oong Pebrero 20, 1884, bininyagan ni Padre Agapito Buenaflor ang isang babaeng sanggol na ipinanganak tatlong araw pa lang ang nakakalipas. Siya ay pinangalanang Maria Beatriz del Rosario Arroyo. Siya ang isa sa mga anak ni Don Ignacio Arroyo, pinuno ng Barangay 4 sa Molo, Iloilo at Doña Maria Pidal, isang Kastilang mestiza.

Unang pumasok si Rosario sa paaralan ng Santa Ana sa kanilang bayan. Pagkatapos nito ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Colegio de San Jose sa Jaro, Iloilo. Sa edad ng labintatlo hanggang sa kanyang ika-27 taon, siya ay nag-aral sa Colegio de Santa Catalina sa Intramuros, Maynila. Ito ay ang unang paaralan para sa mga batang babae sa bansa at pinatatakbo ng mga relihiyosa ng Orden Tercero ni Santo Domingo. Madalas na binibisita siya dito ng kanyang mga magulang.

Sa edad na 27, pumasok si Rosario sa kongregasyon ng mga Dominican Sisters of Santa Catalina de Siena. Pagkatapos ang anim na buwang postulancy, siya ay dinamitan na ng abito ng mga Dominiko. Kasama niya si Macaria Ablay, 26 na taong gulang, isang Filipina rin. Maaari na sanang pumasok si Rosario sa mas maagang gulang ngunit ang kanyang masyadong pagkadepende sa kanyang ina ang humadlang sa kanyang upang pumasok. Ibinigay sa kanya ang pangalang Sr. Rosario Arroyo de la Visitacion at ang kanyang unang propesyon ay noong Enero 3, 1914.

Ang kanyang unang gawain ay ang pagtuturo sa Colegio de la Nuestra Señora del Sto. Rosario, Lingayen, Pangasinan. Dito naging masasakitin siya kaya naman palagi siyang dinadalaw ng kanyang mga magulang. Umuwi muna siya sa kanilang bahay at pagkatapos manumbalik sa dati ang kanyang kalusugan nagpunta kaagad siya sa isang paaralan sa Maynila. Doon siya ay naging tagamasid para sa mga nanunuluyan at nagtuturo din at ginawa niya ito nang buong puso.

Noong mamatay ang kanyang ina tinanggap niya ito nang maluwag sa kalooban. Alam niyang isang maluwalhating kamatayan ang sinapit ng kanyang ina dahil sa kabanalan nito. Masyado namang dinamdam ni Don Ignacio ito kaya naman para mapaligaya kahit kunti ang kanyang ama sinamahan muna niya ito. Ngunit gusto talaga ni Rosario na makabalik na agad sa kumbento. At noong paalis na ito pinilit ni Don Ignacio na magdala siya ng maraming pera para sa kongregasyon ngunit di pumayag si Rosario sapagkat mas pinahahalagahan niya ang pang-ispiritwal na bagay kaysa sa materyal na bagay.

Simula pa lamang ng ikasal sina Don Ignacio at Doña Maria ginusto na nilang makatulong para sa pagtatag ng isang kongregasyon. Kaya naman noon Hulyo 24, 1925 sa tulong ng pinakahuling Amerikanong obispo ng Jaro na si James McCloskey, D.D. pinayagan ng Batikano ang pagtatatag ng bagong kongregasyon na pinangalanang Beaterio del Santissimo Rosario (ngayon ay Dominican Sisters of the Most Holy Rosary of the Philippines). Noong Pebrero 14, 1927, pinayagan ng kanyang kongregasyon (tinatawag din ngayon bilang OP Sienna) si Rosario kasama pa ang dalawang mga madre na maitatag ang bagong kongregasyon sa Molo, Iloilo. Ibinigay ni Don Ignacio ang kanilang pamamahay upang maging Beaterio kung saan maraming kababaihan ang pumunta upang maalagaan at maturuan. Karamihan sa kanila ay di kalaunan pumasok sa bagong kongregasyong ito.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinayuhan si Rosario na lisanin ang Beaterio ngunit hindi siya pumayag at sinabing, “Namumuhay kami nang sama-sama at kung mamamatay kami, mamamatay kami nang sama-sama.” Ngunit napilitan din silang lumipat dahil na rin sa mga sundalong Hapon. Lumipat sila sa simbahan ng Molo. Noong Marso 10, 1945, binomba ng mga Amerikano ang Beaterio sa paniniwalang pugad ito ng mga Hapon. Nadamay pati ang paaralan ng mga madre. Nalungkot sila Rosario sa pangyayari.

Pagkatapos ng digmaan, ang pagpapatayo sa nasirang Beaterio ang pinagtuonan niya ng pansin. Iminungkahi ng bagong obispo na magturo sa mga paaralan ang mga madre kaya naman ipinadala niya ang mga ito sa mga unibersidad at mga kolehiyo upang kumuha ng kurso sa pagtuturo. Siya ang naging pinakaunang superyor ng Kongregasyon ng Santissimo Rosario.

Bago pa man maging relihiyosa si Rosario, nagkaroon na ito ng debosyon sa Banal na Eukaristiya dahil na rin sa pagkakaroon nila ng sariling kapilya sa bahay kung saan naroroon ang Banal na Sakramento. Palagi niyang tinatawag ang kanilang mga kapitbahay upang magdasal ng rosaryo habang nakaluhod sila at siya ang mangunguna sa pagdarasal. Nang maging relihiyosa na siya ipinagpatauloy niya ito kung kaya naman ang mga sumunod sa kanya ay nagkaroon ng pang-araw-araw na eksposisyon at pagdarasal sa Banal na Eukaristiya sa kapilya ng bawat kumbento.

Isa ring debosyon ni Rosario ang pagmamahal sa Birheng Maria. Kung wala man siyang ginagawa ang pagdarasal ng rosaryo ang kanyang ginagawa bawat araw. Bawat larawan ng Mahal na Ina sa kumbento ay dinarasalan niya ng isang Ave Maria. Kanyang iniutos sa kanyang mga madre na dapat ipagdiwang ang lahat ng kapistahan ng Mahal na Ina sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang High Mass.

ANLUWAGE.COMSiya ay isang babaeng dalisay, napakapayak at napakamapagkumbaba, at may pagmamahal sa mga mahihirap at mga nangangailangan. Bilang relihiyosa isinabuhay niya ang mga vows ng isang relihiyoso (chastity, poverty, and obedience) at pati na rin ang mga tuntunin ng Orden. Istrikto siya sa disiplina.

Namatay si Rosario noong Hunyo 14, 1957 pagkatapos tanggapin ang huling sakramento habang pinapalibutan ng kanyang mga madre. Ang kanyang itinatag na Kongregasyon ng Santissimo Rosario (Dominican Sisters of the Most Holy Rosary of the Philippines) ay naging opisyal na kasapi ng Order of Preachers noong Enero 16, 1959.Noong Oktubre 7, 1985 ito ay naging isang kongregasyon sa ilalim na ng Papa. Nagmula sa kanyang itinatag na kongregasyon ang pinakabatang kongregasyon ng mga Dominikong madre, ang mga Dominican Sisters of the Regina Rosarii. Sa kasalukuyan nagpapatuloy pa rin ang proseso upang mapagbigyan ng Batikano ang hakbangin tungo sa kanyang Beatipikasyon at Kanonikasyon.


MGA ARAL SA BUHAY NIYA
•Ang Payak na Pamumuhay
Naging napakapayak ng pamumuhay ni Rosario. Siya ay naging superyor mismo ng kanyang kongregasyong itinatag ngunit hindi siya nagpakita ng pamumuhay na puno ng karangyaan. Payak rin kahit ang kanyang mga gawain. Hindi kasikatan ang hangad niya kundi ang kadakilaan ng Kanyang Lumikha.

•Pagpapahalaga sa Dasal at sa Santo Rosario
Higit kailanman ang dasal ang ating pinakaepektibong paraan upang makausap ang Diyos. Sa dasal dinidinig tayo ng ating Panginoon at kinakausap Niya rin ang mga tumatawag sa kanya. Ang Santo Rosario ay isang uri ng gospel prayer sapagkat tinatahak nito ang mga pangyayari sa buhay ni Kristo at Maria.

Ito ang mga bagay na pinahalagahan ni Rosario. Siya mismo ang naging daan at namuno sa kanyang mga kapitbahay upang makapagdasal sila ng sama-sama sa pamamagitan ng Santo Rosario. Napakahalaga ng Santo Rosario ngunit hindi lahat ng Katoliko alam itong dasalin. Kinakailangan ito ng bawat Katoliko lalo ng kabataan upang mamulat sila na ang Diyos ay may plano para sa kanila. Ipinapaalala ni Rosario sa bawat Pilipino na mayroon silang makakapitan kapag dumating ang mga unos sa buhay.

•Pagiging maalalahanin sa ibang tao

Sa kahit anong antas ng kalagayan ng pamumuhay ng tao, mayroon pa rin kahinaan ang bawat isa sapagkat hindi naman tayo perpekto. Tayo ay mga makasalanan at mayroon pa ring mga pagkakamali kahit tayo pa ay mga alagad ng Diyos. Iyan ang katotohanan.
Ngunit sa halip na husgahan ni Rosario ang kahinaan ng bawat isa, mas nanaig sa kanya ang pagiging maalalahanin sapagkat siya mismo ay hindi perpekto at alam niyang nagkakasala rin siya. Isa itong pagtanggap sa katotohanan ng buhay na nagkakamali man tayo hindi ito ang dahilan upang hindi na tayo mahalin ng Diyos.

•Buong-pusong pagsasabuhay sa Vow of Poverty
Ang pamumuhay na walang kahit anong kayamanan ang isa sa mga dapat isabuhay ng isang relihiyoso. Hindi isang madaling gawain ito sapagkat tatalikuran mo ang lahat upang ihandog naman lahat ng nasa sa iyo para sa Diyos. Nangangailangan ito ng isang buong pusong pagtitiwala sa awa ng Diyos para sa Kanyang mga anak.

Habang tumatanda si Rosario naging mas malalim ang pagmamahal niya sa vow of poverty. Kapansin-pansin palagi ang kanyang pagmamahal sa isang payak na pamumuhay at hindi pagpapahalaga sa mga materyal na bagay. Ang kanyang mga abito ay iilan lamang at kadalasan ang mga ito ay mga tinagpian na dahil na rin sa kalumaan nito. Kung minsan kung anuman ang ibinigay sa kanya na pagkain ipapamigay pa niya ito sa mga mahihirap. Kahit minsan hindi niya ipinagmalaki ang pagiging mayaman ng kanyang pamilya at mas pinili niya ang pagiging isang simpleng relihiyosa. Istrikto si Rosario ngunit hindi niya pinapabayaan ang mga pangangailangan ng kanyang mga kasama.

•Pagiging mapagkumbaba
Ang pamilya at angkang pinagmulan ni Rosario ay mga mayayaman. Sa katotohanan ang pamilya niya mismo ang tumulong para sa mga kinakailangan para sa bagong kongregasyong Dominiko na itinatag niya.

Ngunit kahit ganito ang kanyang antas sa lipunan bilang isang layko noon hindi ito ang naging dahilan upang siya ay maging mapagmataas bilang isang relihiyosa at kahit sa pagiging layko hindi niya ipinagyabang ang kalagayan niya sa lipunan. Nagpakumbaba siya sa lahat at hindi inintindi ang mga ito. Makikita ang kanyang pagpapakumbaba sa pamamagitan ng mga ginampanan niya sa kongregasyon. Nagsilbi siya bilang superyora dahil ginusto ito ng mga kasamahan niya at hindi niya ginamit ang katotohanan na siya ang tagapagtatag nito.

TAWAGAN MO SIYA

PRAYER
(For the beatification of Mother Rosario, OP)


O most loving and merciful Father,
You constantly build up your Church through Your faithful servants
who dedicate themselves to You
in love, service, and generosity.

We thank you, loving Father,
for you have shown
through Your beloved servant, Mother Rosario,
Your constant love and care in the world
by accepting within the Church
a religious family whose members
dedicate themselves to the education
and formation of Your people.

We beg You, loving Father,
to raise Mother Rosario
to the glory of the Blessed Ones.
May her love and dedication
to the work of your Son,
continue to inspire young women and men
to serve Christ faithfully.
We ask this through Christ, our Lord. Amen.

(Here you may present your petition to
God through the prayers of Mother Rosario)

One Our Father,
One Hail Mary and
One Glory Be


For answered prayers please inform:

Mother Rosario Arroyo Commission (MRAC)
c/o Sr. Visitacion Alecto, OP- Chairperson, MRAC
Dominican Sisters Motherhouse, Molo, 500 Iloilo City, Philippines
Tel. (63)(33) 337-9820 Cell: (63) 0928 413 4592
E-mail: mracop@yahoo.com


Sources:
wikipedia.org, dominicansisters-molophil.org, reginarosarii.org

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP