Powered by Blogger.

Friday, 17 October 2008

San Andres Kim


Unang Paring Koreano


KILALANIN NATIN SI SAN ANDRES
Ang Korea ay isa ngayon sa mga iilang bansa sa Asya na patuloy ang pagsibol ng Kristiyanismo, lalo na ang Katolisismo. Sa lahat ng mga bansang Asyano, kakaiba ang Korea sapagkat ang Kristiyanismo ay hindi naunang ipinakilala sa bansa kundi ang mga Koreano mismo ang naghanap sa katotohanang dala ng Kristiyanismo. Kaya naman nang dumating ang mga unang misyonerong dayuhan sa Korea noong ika-18 siglo marami na ang mga Kristiyano.

Nag-umpisa ang pagsulpot ng mga Kristiyano sa Korea noong ika-17 siglo kung saan ang mga nagpakilala sa bagong pananampalataya ay ang mga layko mismo. Ang lipunang Koreano noon ay napakahigpit sa pagiging tradisyunal lalo na sa paniniwala. Nanaig sa mga panahong iyon ang Taoismo at Buddismo. Ang Kristiyanismo naman ay itinuturing na isang banta sa mga mamamayan dahil sa ito ay isang dayuhang paniniwala. At tandaan na ang Korea ay tinatawag na “Kahariang Ermitanyo.”

Si San Andres Kim ay kilala rin sa pangalan bilang Tae Gun Kim. Ang Andres ay ang kanyang pangalang Kristiyano. Ipinanganak siya noong Agosto 21, 1821. Bago pa siya ipinanganak namatay na ang karamihan sa mga kamag-anak niyang Katoliko, isa na rito ang kanyang tiya na si Santa Teresa Kim. Ang kanyang lolo na si Taek-Hyun Andres ay napilitang ilipat ang buong pamilya nila sa Yongin, Kyunki, isang liblib na lugar sa kabundukan ang taguan ng mga karamihan sa mga Katoliko at pitong taong gulang siya noon. Tinuruan ng kanyang ama na si Ignacio Kim si Andres ng mga letrang Tsino at ang ina naman niya na si Ursula Ko ang nagturo pa kanya sa paniniwalang Katoliko.

Noong Enero 1836, dumating si Padre Pedro Maubant na siyang nagbigay ng unang Komunyon ni Andres. Ang pakay ni Padre Maubant sa Korea ay ang maghanap ng mga batang lalake na magiging mga pinakaunang paring Koreano. Isa sa mga napili ay si Andres. Mismong si Andres ay hindi na tumutol pa ng kunin siya ng pari at ang kaniyang mga magulang naman ay todo suporta sa kanya. Kasama ang tatlo pang mga kalalakihan, si Andres ay tumungo sa Macao sa pamatnubay ni Maubant. Sila ay tumuloy kasama ang mga pari ng Paris Foreign Mission. Ngunit sa isang pagkakataon kinailangan nilang lumikas dahil sa pagkakaroon ng mga riot sa Macao. At napilitan silang lumikas sa Maynila, Pilipinas. Sa kanilang pagbabaik sa Macao nawala ang isa niyang kasama. At noong Abril 1834, mas lumala pa ang kalagayan ng Macao kung kaya sila ay lumikas sa isang monasteryo ng mga Dominiko. At Nobyembre rin ng taon na iyon bumalik sila sa Macao.

Noong 1834 rin nagsimula ang religious persecution sa Korea kung saan marami sa mga Katolikong Kristiyano ang namatay kasama na ang mga kamag-anak ni Andres. Natapos ni Andres ang pag-aaral niya sa pilosopiya noong 1841 at agad siyang pumasok sa pag-aaaral ng relihiyon. Malaki ang naitulong ng Macao at Maynila sa pagkatuto pa ni Andres. Maraming beses sinubok ni Andres na muling makabalik sa Korea ngunit hindi siya nagtagumpay dahil sa mahigpit na pamamalakad na nanaig. Noong 1844 natapos niya ang kanyang mga pag-aaral sa teolohiya. Muli niyang sinubok ang pagbalik sa Korea at sa pagkakataong ito misyon niyang siyasatin ang kalagayan ng Korea upang maibalita ito kay Obispo Pereol.

Pagkatapos ng kanyang muling pagbabalik, inihanda ni Andres ang pagdating ni Obispo Pereol sa Korea. Bumili siya ng isang bangka upang masakyan ng Obispo at nga kanyang mga kasamahan. Naglayag siya kasama ang ilang magsasaka patungong Shanghai. Ngunit sa kanilang paglalakbay nakaranas sila ng bagyo. Sinasabing nagkaroon ng sea sickness si Andres ngunit hindi niya ito inalintana at nagawa pang pakalmahin ang mga kasamahan niys sa pamamagitan ng pagpapakit ng isang larawan ni Maria at pagsasabing ililigtas sila ni Maria. Nabalitaan ng Obispo ang pagdating ni Andres sa Shanghai at agad-agad itong tumungo sa kanya. At noong Agosto 17, 1845 sa isang maliit ng Korean town sa Tsina, naging pinakaunang Koreanong pari si Andres ng ordenahan siya ni Pereol. At ang pinakaunang Misa niya ay naganap sa seminaryo ng Mandang.

Pagkatapos nito, kasama ang Obispo at isang pari, naglayag sila patungong Korea sa isang barkong pinangalanang Raphael. Dumanas ito ng isang bagyo na naging dahilan ng pagkasira ng ilang bahagi ngunit nagpatuloy pa rin sila hanggang sa marating nila ang Nabawi, Korea. Tumigil pansamantala ang Obispo doon sa bahay ng isang mananampalatay upang matuto ng Koreano habang si Andres naman ay kinailangang maglakbay sa iba’t ibang bahagi ng Korea. Hindi naging hadalang kay Andres ang problema sa wika dahil siya ay Koreano at nakaiintindi ng iba pang wika kaya malaya niyang nabisita ang mga Katoliko sa mga sulok ng Korea upang sila ay papanatagin. Dahil dito binigyan ni Pereol si Andres ng mataas na posisyon sa Simbahang Katoliko ng Korea.

Naghanap siya ng matutuluyan para sa Obispo sa Seoul. At pagkatapos nito ay nagpunta siya sa bayan nila kung saan siya ay nagkaroon ng isang Misa. Sa Misa, kanyang napagtanto na ang buhay niya ay hindi na para sa kanya pa kundi para sa Diyos.

Sa utos ng Obispo nagpadala si Andres ng sulat para sa mga kasamahan nila sa Tsina. Nipadala niya sa pamamagitan ng mga mangingisdang Tsino na kanyang nakilala. Sa panahon na iyon mahigpit ang Korea sa mga dayuhan kaya gusto nilang habulin ang mga nasabing Tsino. Patakaran na ang mga bangka ng mga pangkaraniwang tao ay maaaring gamitin ng pamahalaan kapag may mga mahalagang Gawain. Nakita ng mga pulis ang bangkang dala ni Andres at sinubok nilang kunin pero tumanggi si Andres. Dahil ditto, hinuli si Andres ng mga pulis at ipiniit sa iba’t ibang mga kulungan. Napag-alaman ng mga namumuno na si Andres ay isang pari na nag-aral sa ibang bansa. Namangha sila sa kaalamang taglay niya sa mga Kanluraning bagay. Kaya nang minsang magbanta ang mga Pranse na susugurin nila ang bansa kung hindi nila bubuksan ito sa kalakaran, gagamitin sana si Andres para makipag-usap sa kanila. Ngunit hindi ito natuloy. Kaya nahatulan siya ng kamatayan.

Noong Setyembre 16, 1846, pinugutan ang 26 taong gulang na pari sa harap ng mga tao at ginamit ang kanyang ulo bilang isang babala sa kanila. Nagpatuloy ang mga persukusyon sa mga Kristiyano sa Korea dahil na rin sa kagustuhan ng mga Koreano na manatili ang Kristiyanismo sa kanilang bansa. Noong 1984, nagging Santo si Andres Kim kasama pa ang 102 Santong Koreano sa pamamagitan ni Papa Juan Pablo II.

MGA ARAL SA BUHAY NIYA

•Katapatan sa pananampalataya sa harap ng kamatayan

Naging tapat si San Andres sa ating pananampalataya kahit pa siya ay mahatulan ng kamatayan. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng mga Katolikong Koreano. Alam niyang mapapahamak pa ang mas maraming Katoliko kaya itinikom niya ang kanyang mga bibig. Kahit may pagkakataon pang mabuhay siya hindi niya ito ginamit dahil alam niyang mas mabuti na siya na lamang ang maging biktima kaysa sa mas marami pa.

Kung magiging mga martir lamang ang bawat Katoliko sa kanyang pananampalataya kay Kristo ang mundo ay magiging banal. Tayong lahat ay kinakailangang maging mga saksi ng Diyos na buhay sa mundong ito. Huwag tayong matinag sa mga pagsubok ng pananampalataya. Kailangan nating maging matatag hanggang sa muling pagdating ng Panginoon.

•Pagtitiis para sa pananampalataya
Malaking pagtitiis ang ginawa ni San Andres sa kanyang buhay. Nagtiis siyang maging malayo sa kanyang baying sinilangan upang siya ay maging pari ng Diyos at ng kanyang mga kababayan. Alam niyang sa pagtitiis na ito ay magiging maganda ang epekto.
Kailangan talagang tayong lahat ay magtiis at magsakripisyo para sa ating pananampalataya. Tandaan natin na tayo ay nilikha ng Diyos upang siya ay sambahin at paglingkuran sa habang panahon. Kung tinatawag man tayo ng Diyos sa isang gawain, nararapat lamang na atin itong punan kahit hindi ito ang ating ninanais. Ang pagtitiis ay isang napakagandang birtud.

•Ang buhay ay para lamang sa Diyos
Ito ang isa sa pinakatampok sa buhay ni San Andres Kim. Kahit sinong Santo ito ang nagiging pinakamalaking natatanto nila sa paglilingkod nila sa Diyos. Nakita ni San Andres Kim ang pangangailangan ng kanyang mga kababayan ng isang pari upang gumabay sa kanila. Dahil ditto siya ay nagging Ama ng mga Katolikong Koreano.

Kahit anuman ang ationg kalagayan sa buhay, dapat tandaan natin na ang buhay natin ay para sa Diyos. Dapat nating isipin na sa pinakaunang pagkakataon tayo ay nagmula sa Diyos kung kaya naman tayo rin ay para lamang sa Kanya. Kung gayon, kailangang ang bawat gawain at mga kilos natin ay para lamang sa Kanya. Siyang nagligtas sa atin at Siynag nagbibigay buhay sa atin.

TAWAGAN MO SIYA

Prayer Through The Intercession
of Saint Andrew Kim And Companions


Glorious Father,
You have created all nations and
You are their salvation.
In the land of Korea, Your call to the Catholic faith
formed a people of adoption whose growth
You nurtured by the blood of
Saints Andrew, Paul, and their companions.
Through their intercession, give us the strength
to remain always faithful to Your commandments.
We ask this through Christ our Lord.
Amen.

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP