Powered by Blogger.

Tuesday, 6 May 2008

Santa Rita ng Cascia



KILALANIN NATIN SI SANTA RITA DE CASCIA
Si Santa Rita de Cascia ang santang kinikilalang patrona ng mga imposibleng bagay. Siya rin ay kinikilala ngayon bilang pintakasing patron ng larong baseball.

Noong ika-14 siglo sa bayan ng Roccaporena malapit sa Cascia sa Diyosesis ng Spoleto, Italya namuhay ang isang iginagalang na mag-asawa. Sila ay may edad na ngunit hindi pa rin nagkakaanak. Kaya panay ang dasal nila sa Diyos upang magkaroon ng isang supling. At noong 1381 biniyayaan nga sila ng isang anak na pinangalanan nilang Rita. Ang pangalang ito ay mula sa pinaikling “Margherita,” isang Italyanong pangalan na katumbas ng “Margaret” sa wikang Ingles.

Pinalaking mabuti ng mag-asawa si Rita. Nang tumuntong na siya sa edad na 15, sinasabing inihayag niya sa kanyang mga magulang ang kanyang pagnanais na pumasok sa kumbento. Tinutulan ito ng kanyang mga magulang kahit ilang beses pa siyang nakiusap sa kanila. Ipinagkasundo siya sa isang mayamang lalake, si Paolo Mancini.

Ikinasal si Rita sa edad na 18 taong gulang. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Sang-ayon sa ilan, ang lalaking napangasawa ni Rita ay naging abusado, hindi tapat, at mainitin ang ulo. Tiniis niya lahat ng mga ito sa loob ng labing walong taon. Sa panahong iyon nakita rin niya kung papaano lumaki ang kanyang mga anak na katulad ng kanilang ama.

Ngunit dahil sa pagiging madasalin, maalalahanin, mabuti, at matiisin ni Rita, naibalik niyang muli ang ugali ng kaniyang asawa sa dati. Si Paolo ay nagbalik-loob sa Simbahan at naging mapagmahal sa asawa. Ngunit isang trahedya ang kaagad na sumalubong sa pamilya. Isang gabi pinagsasaksak si Paolo hanggang sa siya’y mamatay.
Inalagaan nang mabuti ni Rita ang kanilang dalawang anak hanggang sa lumaki ang mga ito at nalaman ang katotohanan sa pagpatay sa kanilang ama. Sinubok ng dalawa na mahiganti ngunit pinigilan sila ni Rita. May mga nagsasabing hiniling ni Rita, sa kanyang panalangin, na mabuti pang kunin na lamang ng Diyos ang buhay ng kanyang dalawang anak kaysa sila ay magiging mamamatay-tao. Nang mga panahong iyon, parehong nagkasakit ang kanyang mga anak (sang-ayon sa ilan, nagkaroon ng salot sa lugar nila Rita). Hinimok niya silang patawarin ang mga salarin sa pagkamatay ng kanilang ama. Pumanaw ang magkapatid na parehong nagpatawad.

Dahil nawala na ang kanyang asawa’t mga anak, itinuloy niya ang kanyang pagnanais na makapasok sa kumbento. Gusto niyang pumasok sa kumbento ni Santa Maria Magdalena sa Cascia ngunit hindi siya pinagbigyan ng mga madre doon dahil sa ilang pamantayan ng kumbento na kanilang sinusunod. Una si Rita ay balo at pangalawa dahil nagkaroon siya ng asawa’t mga anak siya ay hindi na birhen at isa sa pinangangalagaang pamantayan ng kumbento ang pagiging birhen ng mga kasapi nito. Isa ring posibilidad ay ang pagkakaroon ng mga madreng kamag-anak ng mga pumaslang sa kanyang asawa na maaaring makaapekto sa ugnayan ng kumbento.

Ngunit dahil sa ipinakita niyang katiyagaan sa pagnanais na makapasok nang tuluyan sa kumbento, pinagbigyan siya ng mga madre sa kondisyong dapat niyang mapagbati ang kanyang pamilya at ang pamilya ng pumatay sa kanyang asawa. Nagawa niya ito at siya ay tinanggap sa kumbento nang siya ay 36 taong gulang na.

Mayroon din isang kuwento na nagsasabing misteryosong nakapasok siya sa kumbento isang gabi kahit nakasara ang mga pintuan nito. Sinasabing dinadala siya doon ng kanyang mga patrong sina San Juan Bautista, San Agustin, at San Nicolas de Tolentino. Kinaumagahan natatagpuan na lang si Rita sa loob ng kumbento at pati siya ay hindi alam kung paano ito nangyari.

Habang nandoon siya ipinakita niya ang pagiging masunurin at pagmamahal sa lahat ng kanyang gawain. Naging napakadeboto niya kay Kristong nakapako sa krus. At sinasabing sa isa sa kanyang mga mataimtim na pananalangin, ipinagdasal niya na hayaan siyang makihati sa mga pagdurusang naranasan ni Jesus habang nasa krus. Isang tinik mula sa koronang tinik ng Panginoon ang tumusok sa noo niya na nagsanhi ng isang sugat na hindi na gumaling hanggang sa siya ay namatay. Dahil sa sugat na ito lumayo siya pansamantala sa karamihan ng mga madre dahil sa katotohanang ito ay umaalingasaw ng mabahong amoy.

Isang kaibigan mula sa bayang sinilangan niya ang dumalaw sa kanya upang tanungin kung may huling hiling siya. Sinabi niya na gusto niya ng isang rosas mula sa lumang bahay nila. Bagama’t nag-agam-agam ang kaibigan niya dahil tag-lamig noong panahong iyon at wala pang rosas nagbakasakali pa rin siya at nakakita nga siya ng nag-iisang namumulaklak na rosas mula sa hardin nila Rita. Dahil dito sinasabing si Rita ay patron ng mga imposibleng bagay.

Namatay si Rita sa edad na 76 noong Mayo 22, 1457 sa piling ng kanyang mga kapwa-madre. Sa dapit-hapon ng kanyang buhay si Rita ay nanatiling tapat sa buhay Agustino. Si Rita ay itinaas bilang isang Beata noong 1627 sa pamamagitan ni Papa Urban VIII at noong taong 1900 siya ay ginawang Santa ni Papa Leo XIII. Ang kapistahan ni Santa Rita ay tuwing Mayo 22.

MGA ARAL SA BUHAY NIYA

Kay Santa Rita makikita ang isang buhay na puno ng patuloy na pagtitiis sa iba’t ibang mga suliranin ng buhay. Sa pagtitiis ng 18 taon sa kanyang asawang nang-abuso sa kanya, ng pagkawala ng asawa’t mga anak, at sa sugat na ibinigay sa kanya ni Jesus, ipinakita niyang makakayanan ang lahat ng pagsubok.

Ipinakita rin niya na ang pagiging matiyaga ay makakagawa ng mga bagay na sa unang tingin ay imposible. Hindi man siya pinakinggan ng kanyang mga magulang nang ipahayag niya na nais niyang pumasok sa kumbento, naghintay lamang siya. At nang may pagkakataon na siya, naging determinado siya sa kanyang pagsapi at pagkatanggap bilang isang madre. Ganito din tayo dapat sa pagdarasal: matiyaga at palagian bunsod ng matibay na pag-asa sa Diyos. Kapag matiyaga at palagi tayong nagdarasal pasasaan ba’t ibibigay din ng Diyos ang ating mga hinihiling sa Kanya?

Kahit anong paghihirap ang maaari nating maranasan sa araw-araw sa pamilya, sa pamayanan at sa bayan, kumapit lamang tayo sa Diyos. Huwag nating isipin ang mga paghihirap na ito’y nagpapabigat sa atin, huwag tayong maging pala-angal, bagkus gawin natin itong mga pag-aalay sa kaluwalhatian ni Jesus.


TAWAGAN MO SIYA

PRAYER TO SAINT RITA

O Holy Patroness of those in need, St. Rita, whose pleadings before your Divine Lord are almost irresistible, who for your lavishness in granting favors hast been called the Advocate of the Hopeless and even of the Impossible; St. Rita, so humble, so pure, so mortified, so patient and of such compassionate love for your Crucified Jesus that you could obtain from Him whatsoever you ask, on account of which all confidently have recourse to you expecting, if not always relief, at least comfort; be propitious to our petition, showing your power with God on behalf of your suppliant; be lavish to us, as you have been in so many wonderful cases, for the greater glory of God, for the spreading of your own devotion, and for the consolation of those who trust in you.

We promise, if our petition is granted, to glorify you by making know your favor, to bless and sing your praises forever. Relying then upon your merits and power before the Sacred Heart of Jesus, we pray you grant that [here mention your request].

By the singular merits of your childhood, obtain for us our request.
By your perfect union with the Divine Will, obtain for us our request.
By your heroic sufferings during your married life, obtain for us our request.
By the consolation you experienced at the conversion of your husband, obtain for us our request.
By the sacrifice of your children rather than see them grievously offend God, obtain for us our request.
By your miraculous entrance into the convent, obtain for us our request.
By your severe penances and thrice daily bloody scourgings, obtain for us our request.
By the suffering caused by the wound you received from the thorn of your Crucified Savior, obtain for us our request.
By the Divine love which consumed your heart, obtain for us our request.
By that remarkable devotion to the Blessed Sacrament,
on which alone you existed for four years, obtain for us our request.
By the happiness with which parted from your trials to join your Divine Spouse, obtain for us our request.
By the perfect example gave to people of every state of life, obtain for us our request.

Pray for us, O holy St. Rita, that we may be made worthy of the promises of Christ.

LET US PRAY.
O God, Who in Your infinite tenderness has vouchsafed to regard the prayer of Your servant, Blessed Rita, and granted to her supplication that which is impossible to human foresight, skill and efforts, in reward of her compassionate love and firm reliance on Your promise, have pity on our adversity and succor us in our calamities, that the unbeliever may know You are the recompense of the humble, the defense of the helpless, and the strength of those who trust in You, through Jesus Christ, Our Lord. Amen.

(Mark Rodney P. Vertido)

Resources: http://www.catholictradition.org, http://www.stritachurch.org, http://www.catholic.org, http://en.wikipedia.org

No comments:

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP