KILALANIN NATIN SI SANTA MARIA GORETTI
Isinilang noong Oktubre 16, 1890 sa Corinaldo, Italya, pinangalanan nina Luigi Goretti at Assunta Carlina ang kanilang pangalawang anak na Maria Teresa. Mula siya sa pamilya ng mga kasama (sharecroppers). Bata pa lamang nakakitaan na ng mga kaibigan at kakilala ni Maria ang kanyang kabanalan.
Naging masyadong mahirap ang pamumuhay ng kanilang pamilya kaya napilitan silang mag-anak na ibenta pati ang kanilang mga ari-arian kaya naging palipat-lipat sila sa mga bayan kapag anihan na. Noong 1899 lumipat sila sa maliit na bayan ng Ferriere, Italya. Sa kagustuhan ng ama ni Maria na mabuhay ang pamilya nila napilitang makipagkasundo siya kay Signor Serenelli na may anak na lalake, si Alessandro. Nakatira lamang sila sa iisang bahay na pagmamay-ari ng Konde ng Mazzolini.
Nagkaroon ng malaria ang ama ni Maria na siyang naging dahilan ng pagkamatay niya. Siyam na gulang lamang si Maria noon. Sa pagkamatay ng kanyang ama mas naging malakas si Maria. Naging masaya ang pamilya kahit mahirap ang pamumuhay nila. Silang lahat ay nagkaroon ng malalim na pagmamahal at pananalig sa Diyos. Isa sa mga pinakamahalagang kaganapan ng kanyang buhay ang unang Komunyon niya noong Hunyo 16, 1901. Kaiba si Maria kaysa sa mga ibang bata ng Ferriere.
Mas matanda si Alessandro kaysa kay Maria ng ilang taon. Masyadong makamundo ang pag-iisip nito na naging mabigat na problema kay Maria. Ilang beses rin na tinangka ni Alessandro na alukin si Maria ng pakikipagtalik sa gulang niyang iyon. Ngunit matindi ang pagtanggi ni Maria sa mga alok ni Alessandro dahil sa kanyang pagmamahal sa Diyos.
At noong Hulyo 5, 1902, 3:30 ng hapon habang nagsusulsi si Maria sa kanilang bahay, pwersahang inalok siya ulit ni Alessandro na makipagtalik sa kanya ngunit matigas talaga ang pagtanggi ni Maria at sinabing “Hindi! Isa itong kasalanan! Hindi ito gusto ng Diyos!” Ngunit nagdilim na ang paningin ni Alessandro at pinagsasaksak niya ang bata ng 14 beses. Naitakbo pa rin si Maria sa ospital at ginawa ng mga doktor ang lahat para maligtas siya subalit hindi sila nagtagumpay. Tumagal pa rin si Maria ng higit sa 20 oras. Sa mga nalalabing oras niya nagawa pa rin niyang patawarin si Alessandro sa kanyang pagkakasala at sinabing gusto niyang makasama si Alessandro sa langit. Hulyo 6, 1902 namatay si Maria sa gulang na 11 taon, 9 buwan, at 21 araw habang nakatanaw sa larawan ng Mahal na Birhen. Sa kanyang pagkamatay napanatili niya ang kadalisayan ng kanyang pagiging birhen at ang pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.
Nahuli si Alessandro at nahatulan sana ng kamatayan ngunit dahil menor de edad lamang nakulong lamang siya. At sa loob 30 taon sa kulungan natutuhan ni Alessandro ang magbagong buhay dahil sa isang panaginip niya kay Maria. Nakita niya sa kanyang panaginip si Maria na binibigyan siya ng mga lily (simbolo ng kadalisayan) na nasunog sa kanyang mga kamay. Pagkalabas ni Alessandro sa kulungan, humingi siya kaagad ng kapatawaran sa ina ni Maria. Abril 27, 1947 nang ipahayag siyang isang “beata” ni Papa Pio XII. Pagkalipas ng 48 taon ng kamatayan – Hunyo 24, 1950 - itinalaga siyang martir at Santa, ang pinakabatang Santa. Nandoon ang ina ni Maria; ang pinakaunang ina sa kasaysayan na nasaksihan ang kanonisasyon ng kanyang sariling anak. Kasama niya ang nalalabi pa niyang mga anak. Si Alessandro ay dumalo din sa nasabing seremonyas.
Pumasok si Alessandro sa seminaryo ng mga Franciscan Capuchins sa Marche at namatay na doon nang mapayapa noong 1970.
Sumisimbulo kay Santa Maria ang 14 na lily tanda na 14 saksak na natanggap niya. Sa kanyang mga imahen, makikita siyang nakadamit-magsasaka at kung minsan ay may hawak na kutsilyo. Kinikilala siyang patrona ng mga kabataan, mga kababaihan, mga biktima ng rape, at ng pagdiriwang ng World Youth Day.
Hulyo 6 (dating Hulyo 5) ang araw ng kanyang kapistahan.
MGA ARAL SA BUHAY NI SANTA MARIA GORETTI
• Kasiyahan sa harap ng matinding kahirapan
Ito ang isang bagay na nawawala na sa mga tao ngayon. Kapag may kahirapan tayong dinaranas iniisip nating napakamiserable na ng ating buhay at sinisisi pa natin ang Diyos. Pananalig at pagkakaroon lamang ng pag-asa sa Diyos ang kailangan natin sapagkat Siya ay mahabagin at hindi Niya tayo pinababayaan. Hindi naging madali ang buhay ni Santa Maria subalit ito’y naging daan pa para lalo siyang mapalapit sa Panginoon.
• Kabanalan kahit bata pa lamang
Masakit mang isipin ngunit karamihan sa ngayon ay hindi na pinahahalagahan ang kabanalan. Ang kabanalan ngayon ay itinatangi na lamang sa mga santo, sa mga pari’t madre at sa mga matatandang manong at manang. Ang hindi nila nalalaman ay kahit tayong mga pangkaraniwang tao ay maaaring maging banal. Alalahanin natin na tayo mismo ay mga “templo ng Espiritu Santo” kaya tayo ay may haplos na ng kabanalan – kahit bata pa lamang tayo.
• Pagmamahal sa Diyos at pagkamuhi sa kasalanan
Ipinakita ni Santa Maria ang pagmamahal sa Diyos at pagkamuhi sa kasalanan sa pamamagitan ng paulit-ulit niyang pagtanggi sa paghimok sa kanya ni Alessandro na makipagtalik. Alam niyang mali iyon at hindi kagustuhan ng Diyos. Ilan na ba sa mga kabataan ngayon at pati sa mga matatanda ang may pagmamahal sa Diyos at pagkamuhi sa kasalanan? Maraming mga kabataan ang pinag-eeksperimentuhan ang kanilang mga katawan at gumagawa ng mga kahalayaan na buong pagmamalaki pang ginagawang mga video. Maraming mga matatanda ngayon ang nangangaliwa. Mga makasalanan nga tayo ngunit dahil dito kailangan nating alalahaning ito dapat ang maging sandigan natin upang mas mapalapit sa Diyos. Kung mawawala ang moralidad sa atin ano nang mangayayari sa bayan natin?
• Pagpapahalaga sa Banal na Eukaristiya
Buong kagalakang tinanggap ni Maria ang unang Komunyon niya. Alam niyang hindi lamang isang tinapay ang tinatanggap niya kundi si Kristo mismo. Ganito rin sana ang bawat taong tumatanggap sa Eukaristiya. Karamihan sa ngayon ay iniisip lamang na kailangang tanggapin ito dahil nasa Misa ito. Ang pagtanggap sa Komunyon ay pagtanggap kay Kristo. Buhay na walang hanggan ang dulot ng pagtanggap sa Kanya. Nakalulungkot lang isipin na nawawalan na ang kahulugan ito sa ilang tao sa ngayon. Hindi na sangayon sa kabanalan ang mga kinikilos natin, banal tuwing Misa ngunit kabaligtaran na paglabas ng simbahan.
• Pagpapahalaga sa kadalisayan (purity)
Hindi na dalisay ang pagtingin ng mga tao sa salitang “kadalisayan” o pagiging birhen. Marami ngayon ang hindi na nagpapahalaga sa pagiging birhen bago pa ang pag-aasawa lalo na sa mga kabataan. Marami ang nag-iisip na hindi na uso ang maging birhen kaya nahihimok silang makipagtalik kahit sa hindi pa kasal. Dapat sana nating isipin si Santa Maria sapagkat siya ay dalisay sa tanan ng kanyang buhay. Kung tayo ay may pagkakataong maging dalisay hindi ba natin dapat itong panatilihin hanggang sa panahon ng ating pag-aasawa o kung hindi man tayo mag-aasawa ay sa tanan rin ng ating buhay?
• Pagiging mapagpatawad
Ito ang pinakamahalagang aral ng buhay ni Santa Maria Goretti. Pinatawad niya si Alessandro dahil alam niyang walang magagawang kabutihan kung pananatilihin pa niya ang galit sa kanyang puso bago siya mamatay. May magagawa bang kabutihan sa ating lahat kung tayo ay magkikimkim ng galit sa ating puso? Wala, dahil kung ang Diyos ay mapagpatawad ganoon rin dapat tayo maging mapagpatawad. Kung ikaw na tao ay palaging pinatatawad ng Diyos sa harap ng paulit-ulit na pagkakasala bakit hindi mo maaaring mapatawad ang pagkakasala ng iyong kapwa na minsan lang niyang ginawa? Kung hindi tayo marunong magpatawad wala sa atin ang pag-ibig ng Diyos at ang Diyos mismo wala sa atin. Ito rin ay isang uri ng kadalisayan, kadalisay ng puso laban sa mga pagkamuhi sa kapwa tao.
TAWAGAN MO SIYA
Oh Saint Maria Goretti who, strengthened by God's grace, did not hesitate even at the age of twelve to shed your blood and sacrifice life itself to defend your virginal purity, look graciously on the unhappy human race which has strayed far from the path of eternal salvation. Teach us all, and especially youth, with what courage and promptitude we should flee for the love of Jesus anything that could offend Him or stain our souls with sin. Obtain for us from our Lord victory in temptation, comfort in the sorrows of life, and the grace which we earnestly beg of thee (here insert intention), and may we one day enjoy with thee the imperishable glory of Heaven. Amen.
Our Father, Hail Mary, Glory be to the Father, etc.
St. Maria Goretti, pray for us!
We would like to acknowledge the Friends of Saint Maria Goretti USA, Inc. for their help in constructing this article especially to their President, Bro. Goretti Zilli, MM.
References: http://en.wikipedia.org , http://www.mariagoretti.org
No comments:
Post a Comment